Share ko lang sa inyo ang storyang ikinwento ng mama ko sa akin dati. Hindi ko alam kung naniniwala ba kayo sa aswang o hindi. Kasi kahit ako, hindi ko din alam kung maniniwala ba ako lalo't lalo na dahil hindi pa ako nakakakita nito dahil laking Manila ako (Metro Manila). Kadalasan kasi sa mga probinsya lang daw ito nakikita. Marami rami na ring naikwento ang mama ko tungkol sa mga aswang lalo na nung ipinagbubuntis niya ako sa probinsya. Pero ang ke-kwento ko ay yung tungkol sa mga tito ko (kapatid ni mama).
Isang gabi, pauwi na ang dalawa kong tito galing ng fiesta. Sila ay mga bata pa nung time na yun. Ang probinsya namin ng mga time yan ay wala pang kuryente, pero sa bayan meron. Sobrang liblib kasi yung bahay namin sa probinsya. Wala ding tubig. Puro puno.
Sa paglalakad ng dalawa kong tito pauwi, may nakita silang dalawang aso na nakatitig sa kanila. Ang mga mata ay pulang-pula at ang bibig ay naglalaway at puro galis ang balat. Nakakatakot na aso sa madaling pagpapaliwanag. Sa takot ng mga tito ko sila ay tumakbo palayo, pero sila ay hinabol ng mga ito. Sila ay tumakbo ng tumakbo pero hindi pa rin sila tinigilan habulin ng mga asong ito. Hanggang sa may nakita silang jeep na nakaparada sa kalsada. Ang dalawa kong tito ay patalong inakyat ang bubong ng jeep. Doon sila tinigilan ng mga aso ng nakita nilang nakabukas ang ilaw ng jeep sa bandang harapan na tila bang nasisilaw sila rito. Hanggang sa tumakbo nalang papalayo ang mga aso papunta ng mga puno. Pag-alis ng mga aso, patakas na umuwi ang mga tito ko at buong ikinwento ang nangyare sa pamilya nila.
(Hindi ko alam kung aswang ang mga iyun or asong ulol na nakadroga. Pero isa lamang ang natitiyak ko--Mapapatakbo ka din sa takot).
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories
HorrorAng mga kwentong kababalaghan na mababasa mo rito ay ilan lamang sa mga naranasan ko sa aking buhay at mga kwentong aking narinig sa mga kapamilya o kakilala. Enjoy sa pagbabasa :)