13

2.2K 111 6
                                    


Asnia Sien's POV

Tipid akong nginitian ni Iñaki nang magtama ang aming tingin. Tumango lang ako at tipid ring ngumiti. Si Lalisza ay nakataas ang kilay habang nakapamaywang na nakatingin sa'kin. Nanghahamon ang mukha niya. Pagkalapat pa lang ng aking paa sa arena ay agad gumapang ang kaba sa'king dibdib.

Ano na'ng gagawin ko?

Ilang minuto ang lumipas ay nakatayo pa rin ako sa gitna ng arena. Namamangha sa paligid sa gitna ng takot na nararamdaman. Kapag pala nandito sa arena ay hindi maaninag ang mga taong nanonood. Ang galing. Pero hindi ito ang oras para mamangha, Asnia!

Napahinga ako ng malalim. Kumalma ka, Asnia.

Mabagal kong inaangat ang kaliwang kamay. Kinuyom ko ito kasabay sa paghinga ng malalim. Muli kong binuksan ang palad. Tinitigan ko ito.

Unti-unti naramdaman ko ang mabagal na pagdaloy ng enerhiya mula sa katawan ko papunta sa aking kamay. Mula sa aking palad, unti-unting nabuo ang maliit na bolang apoy. Halos kasing laki lang ng barya.

Wala itong kulay. Apoy na walang kulay. Para lang itong hangin. Hindi nakikita ng iba. Hindi ko rin alam kung nararamdaman ba ng ibang estudyante itong apoy.

"Tatayo ka na lang ba dyan?" rinig kong tanong ni Lalisza. Naiinip. Hindi ko siya makita. Wala akong ibang makita. Napangiwi ako.

Bahala na. Matibay at malakas naman siguro itong barriers. Saka nandyan naman ang nga konseho kung sakaling may hindi magandang mangyari. May tiwala naman ako sa kanila.

Mabagal kong pinakawalan ang maliit na bolang apoy na walang kulay. Mabilis itong bumulusok sa barriers. Sa sobrang bilis ay nakita ko pa ang nahawing hangin. Ang sahig ay nagkabitak sa dinaanan ng apoy.

Napapikit ako. Bahala na!

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Sunod ang pagsigaw ng ilang mga estudyante. Dumagundong ang kaba sa'king dibdib. Agad kong minulat ang mata.

Halos mamutla ako sa nakita. Basag ang barriers. Ang mga upuan ay nahawi at wasak na wasak. Hugis bilog pa ito. Ang apoy na walang kulay ay kumakalat sa mga upuan dahil gawa ito sa kahoy. Patay. Walang ibang nakakakita ng apoy kaya kailangan ko itong mapatay agad.

Mabilis akong tumakbo sa dinaanan ng bolang apoy. Ang bawat naapakan ko ay nagbibitak. Tinalon ko ang mataas na arena pababa. Mabilis akong lumapit sa mga apoy.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko intensyong mawasak ang barriers at itong mga upuan sa harap ko.

Hinawakan ko ang apoy na hindi nakikita ng iba. Pinatay ko ito bago pa kumalat. Matapos ang tatlong minuto ay saka ko hinarap ang mga estudyante.

Na sa kabilang banda sila. Takot na takot na nakatingin sa'kin. Ang iba ay nasugatan. Kabilang do'n si Sierra. Ang tatlong Konseho ay na sa gilid ko. Gulat na gulat sa nasaksihan.

Parang may kumirot sa aking dibdib. Ganitong ganito ang kanilang reaksyon noong hindi ko sinasadyang masunog ang bodega ng aming pamilya dalawang taon na rin ang nakalilipas. Nawalan ako ng kontrol noon. Ayoko ng ganitong reaksyon...

Napailing ako. Nagtama ang tingin namin ni Archelues. Nanlaki ang mata ko. Gumapang ang kakaibang kaba sa'king dibdib. Umuusok pa ang kapang suot ni Archelues. Ang kalahati nito ay nasunog. Ang matapang na mukha niya ay puno ng pag-aalala at kalituhan. Akala ko ay galit siya ngunit hindi.

Namuo ang luha sa mata ko. Umiling ako. "Hindi ko sinasadya. Pasensiya na. Patawad."

Ang laking pinsala nang nagawa ko. Hindi ko sinasadya.

Newszealz Academy: Mirror of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon