Enjoy reading...
••••••
AILA ADDALYN'POV
We celebrated the new year with my family. Plano din namin maghanda kinabukasan ng maliit na salo salo para sa pampamilya naming selebrasyon, habang ang Miller ay sumunod kay Quill sa california kung nasaan siya ngayon.
After kong mapatawad sila ay ginusto ko sanang makausap din di Quill pero alam kong hindi pa oras para magkita muli kami.
Binalak nila mommy na sumunod sa california at isama ako para narin sa intensyon kong makausap siya pero mabilis ko iyong tinanggihan, ayokong isipin ni Quill na mabilis kong natanggap na isa siya sa dahilan kaya gusto ko rin siyang bigyan ng oras kagaya ng ibinigay niya sa'akin.
"Happy new year!"
Kasabay ng pag hipan namin sa torotot kasabay ng pagpapaputok ng fireworks. Nakalingon kami sa mga guards na siyang nag sisindi ng fireworks.
Iba't ibang kulay at iba't ibang disenyo para sa bawat set ng paputok. Dahil maraming napapahamak sa pang isahang paputok ay mas pinili ng pamilya namin na fireworks na lang, kagaya ng mga katabing bahay namin.
Sabi nila, pag pumasok ang bagong taon kaylangan mo ng iwan ang mga bagay o tao na siyang dahilan kung bakit ka nasasaktan o nasaktan sa nagdaang isang taon.
Ang bagong taon ay simbolo ng bagong buhay ng nag iintay sayo pero paano mo nga ba masasabing tapos na at dapat ng kalimutan? Pag napatawad mo na? O pag natanggap mo na? Wala sa dalawa. Dahil malalaman mo lang na tapos na ang pahinang iyon ay pag naitama na ang lahat ng nasa paligid na alam mong sa mali ito nag umpisa.
Kahit kaylan ay hindi matatapos kung sa simpleng paraan lang ito nilagdaan, matatapos man ito pero pansamantala lang ngunit mag papatuloy din.
"Thankyou for another year with my family." Usal ni daddy, pinisil ko ang kamay ni mommy na hawak ko. Tiningnan niya ako at nginitian.
"I love you mom, dad, kuya." Isa isa kong nilingon sila habang may ngiti sa labi.
Kumain kaming apat kasama ang mga kasambahay namin, driver at guards. Nakasanayan namin ito taon-taon tapos kinabukasan ay bibigyan namin sila ng isang araw na day off, ang iba sa kanila ay hindi na humingi ng isang araw na off dahil sa probinsya pa sila uuwi kaya naman next week ay bibigyan namin sila ng isang linggong day off.
Pag katapos ng maliit na salo salo namin ay nagpahinga na kami, kinaumagahan ay nagising ako sa katok ni Grace. Isa siya sa mga hindi umuwi.
Sinabi neto saakin na dumating na sila allison at ang pamilya nila maging ang isa pang kapatid ni daddy na babae kasama ang pamilya nitong sarili.
"Susunod na ako, maliligo lang ako." Turan ko dito.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko at dumeretso sa bathroom, matapos kong maligo ay pumunta ako sa walk in closet para makapag damit.
Isang simple white dress with polka dots na design sa laylayan ng dress. May dots din na design ang maliit nitong sleeves, pinantayan ko ito ng isang light blue heels.
Pababa pa lang ako sa hagdanan namin ay rinig ko na ang tawanan nilang lahat sa baba. Naagaw ko agad ang atensyon ng lahat ng nandoon,
"Aila!" Sigaw ng pinsan kong lalaki na si Edward Rudolf Carter Lee. Anak siya ng kapatid ni daddy na si Tita Florendin Carter Lee, koreano ang napangasawa nito.
"Edward." Ngisi ko.
Tawanan at halakhakan ang bumuo sa buong mansyon ang araw na yun, binalita din ni tita na tutuloy pansamantala si Edward sa mansyon dahil sa loko loko ito at gusto nilang magtanda ang panganay na anak.
BINABASA MO ANG
Learn How To Love You Hard (Love Alert Series #1)
General FictionDahil sa pagkamatay ng bestfriend niya ay naging madilim ang nakaraan ni Aila Addalyn Carter at nagkaroon siya ng matinding galit sa pamilyang malapit sa pamilya niya. Naging stress si Aila Addalyn dahil sa pagkawala ng boyfriend niya ay naibigay ni...