Natapos na ang exams namin kaya next week ay magsisimula na ang Intramurals sa skwelahan namin. Ang pagsabayin ang pagiging estudyante ko't pagiging presidente sa Student Council ay mahirap talaga. But because I'm good with time management, everything went smoothly. 'Di na rin kami masyadong nagkakasabay ni Raphela dahil todo rehearsal na siya para sa nalalapit na Miss Intrams.
It's weekend and supposedly, I'd be staying inside the house and rest since for the past few days were exhausting. Pero pinakiusapan ako ni Mama na samahan siya sa isang event ngayon, which is the annual Mindanao Fashion Summit. Kaya kahit pagod man ako, sinamahan ko pa rin siya.
I don't like being late but my very own mother, Loudivina Borquez, wanted to have a grand entrance so we arrived at the event a bit late. Dinumog siya ng mga ilang local reporters kahit nagsisimula na ang fashion show. Halos lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta sa aking ina kaya nahihiya tuloy ako para sa mga organizers ng event na ito dahil imbes na sa damit ng mga modelo sila nakatingin, ay mas inusisa pa ng mga tao ang suot na damit ni Mama.
She proudly told the reporters about where she got her elegant dress. Nang mapansin niyang medyo lumalayo ako ay hinila muli ako ni Mama sa tabi niya. The reporters even bombarded me with questions that I awkwardly answered.
"Ma, tara na," bulong ko sa aking ina at mahina siyang hinila palayo sa mga reporters.
Umupo kami sa hanay ng VIP seats na nasa harapan at nagsimula na kaming manuod sa fashion show. Ever since I was a kid, I'm already exposed in different fashion shows. Especially, that my mother gets invited into different fashion shows almost every weekends. Siya na lang iyong umaayaw minsan dahil sa kakulangan ng oras. My mother is such a busy woman because she's renowned for being the owner of one of the biggest and successful Modelling Agency here in the Philippines. Na kahit nandito sa CDO ang agency niya ay marami na siyang napapadala na mga modelo sa iba't-ibang lugar and even internationally.
"When will I see you walk in a runway, anak?" tanong ni mama sa akin.
"Ma...'wag muna ngayon." buntong-hininga ko.
"I'm sure you can handle being a student and at the same time a model. Mas maganda kung ngayon pa lang, nagsisimula na ang career mo."
This has always been our scenario whenever we are in a fashion show. Hindi talaga nagsasawa si Mama sa pagpilit sa akin na maging modelo ako ngayon pa lang. And yes, I wanted to be a model.
But now is not the perfect timing for that...
I don't think I can do both. Kasi paano na lang kung nag-excel nga ako sa studies ko pero hindi sa modelling? O di kaya, nag excel ako sa pagiging model pero napabayaan ko naman ang studies ko? I don't want to take risk, lalong-lalo na na si Mama ay gusto niyang mag-excel ako sa dalawang bagay na iyon. Walang maiiwan o walang mapapabayaan.
Nanatili akong tahimik at hindi na nagsalita dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin ni Mama. O 'di kaya, baka maglahad pa siya mismo sa harapan ko ngayon ng isang kontrata para wala na akong takas.
After the event, umuwi na agad kami dahil bigla na lang nawalan nang mood si Mama. And I'm pretty sure, it wasn't because of our tiny argument earlier. Nakita ko kasing may binabasa si Mama sa kanyang phone at pagkatapos nun ay gusto niya nang umuwi.
"Ma, are you okay?" tahimik kong tanong sa kanya habang nasa kotse na kami.
"I'm always okay, Lavienne." she slightly chuckled.
Instead of looking at me, she remained her eyes outside the car's window. After making that obvious fake chuckle, her expression went back to being plain again. Lumilipad na naman ang kanyang isipan at tila hindi ko 'to mahabol. My mother will always be the most secretive person I have known in my life, and it bothers me so much. Hindi ako nagkulang bilang anak sa pagsasabi sa kanya na I'm always willing to listen. But I also can't force her to open up to me, it would still be her decision at the end of the day.
BINABASA MO ANG
Baptism of Fire
RomanceA first experience of something, something difficult and frightening... written in tagalog-english