LOL 1

699 14 3
                                    


"Oo na wag na kayo maingay chinachat ko na nga e."

"Tanong mo kung kumain na sya."

"Tanong mo muna ASL para sure tayo."

"Mas maganda ba yan sakin patingin nga?"

Ang aga aga ang iingay nitong mga to. Tss! Hindi ba sila pwede tumahimik kahit konti. 12:30pm pa lang at kelangan ko ng tulog. We shared house. It's big tho. Pero di ko alam bat nagkukumpulan sila dito sa may living room.

"Guys! Pwede wag masyado maingay may natutulog pa diba?" Sabi ko sa kanila. Napatingin sila sakin pero ilang segundo tinuloy pa rin nila ang ginagawa nila. Hays!

"Baby tanghali na hindi namin kasalanan kung sa mga oras na to maingay na ang surroundings." Maarteng sabi ni Nayeon. Pinaka matanda sa aming apat.

"Kaya nga! Sino ba magsabi sayo magpuyat ka kakatext kagabi?" Dagdag naman ni Dahyun. Hindi ko sila pinansin tumayo na ako para sa kwarto nalang matulog pero narinig ko si Chaeyoung nagsalita.

"Sabihin na kase natin kay Tzuyu, para hindi sya magul--" Pabulong na sabi ni Chaeyoung pero rinig na rinig ko.

"Sabihin ang alin? At bakit ako magugulat?" Napatingin sila sakin at sa isa't isa napahinto din sila ginagawa nila.

"Ah ano kase eh uhm ano kase." Utal utal na sabi ni Dahyun.

"Anong ano?" Naiirita kong sabi.

"Baby wag kang galit, Wala naman kaming ginawang masama no." Sabi lang ni Nayeon bigla naman nagsitango yung dalawa.

"So ano nga yung sasabihin nyo?" Nawala yung antok ko sa mga to ang tagal pa sabihin wala naman pala silang masamang ginawa.

"Wala naman talaga kaming sasabihin e hehe joke lang yun diba Dubu? Diba Nayeon unni?" Sabay peace sign ni Chaeyeong.

"I heard you Chaeng! Sasabihin nyo ba o babawiin ko tong laptop ko na ginagamit nyo ngayon?"

"Wala talaga kaming masamang ginagawa, pero ano kase--" Utal pa rin na sabi ni Dahyun tumingin sya kay Nayeon para humingi ng tulong.

"Gumawa kase tong dalawang to ng account sa usong dating app na LOL gamit yung mukha mo well parang account mo na din actually." Chill ni Nayeon habang yung dalawa nagtago sa likod nya.

"WHAT?" Sinamaan ko sila ng tinging tatlo. "At kinokunsinte mo sila Im Nayeon?" Naiinis kong sabi lumapit ako sa kanila at kinuha ko yung laptop ko.

"It's for your own good naman bro!" Sabi ni Chaeng. Natawa si Nayeon pero napahinto din nung binato ko sya ng unan.

"Bat ako gagawan nyo ng account eh hindi pa naman ako matanda katulad ni Nayeon?" Nanlaki naman ang mata ni Nayeon sa sinabi ko. "Hindi din naman ako hopeless romantic katulad ni Chaeyoung?" Sinamaan naman ako ng tingin ni Chaeyoung. "At mas lalong hindi ko katulad si Dahyun na hanggang ngayon di pa nakakamove on sa ex nya." Nag smirk lang ako at umakto na nag mic drop bago pumasok sa kwarto. Below the belt na siguro yung nasabi ko pero di ko naman kase kelangan ng jowa. weh.

Nagising ako ng 5:02pm 5hrs of sleep not bad. Lalabas na sana ako ng kwarto ng naalala ko yung nangyare kanina nasaktan ko yung mga kaibigan ko dahil sa nasabi ko. Naisipan ko naman magsorry kaya lumabas ako pero wala sila sa mga kwarto nila. Kaya binuksan ko nalang yung cellphone ko.

IMPretty ♡

Yoda? Hindi ka na
namin ginising
dahil tulog ka pero
andito kame ngayon
kila Jeong nagyaya
uminom tong dalawa,
Pinagluto kita ng ulam
bago kame umalis
initin mo na lang sa oven
okay.

Tnx.
seen 5:07pm

Text ni Nayeon unni sakin sya nagsaved ng number nya kaya ganyan. Naguilty ako lalo sa mga pinagsasabi ko kanina. Lalo na pag ganyan sila ka caring at ka sweet. Mababait naman talaga yung tatlo kong kaibigan para ko na silang mga ate dahil lagi nila akong inuuna. Pero may attitude siguro talaga kong ganto kunyare walang pake pero sobrang nagkecare.

Naalala ko na may gagawin nga pala akong letter sa laptop ko kaya binuksan ko ito. Napatingin naman ako sa isang app na ang daming messages. Dahil nacucurious ako binuksan ko ito. Ito siguro yung LOL na tinutukoy nila Nayeon.

Hindi na ko nagulat ng makita ko na may account ako. Daming date request pero isa lang yung nakita kong inaaccept nila.

TZU NEEDS A GF
Taiwanese.
20 years old.
Date me for more info.

Date me for more info

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5521 date request.             1 accepted.

Comments:

Slhyn: Omo! She's so pretty kung wala lang akong jowa ngayon akin to eh.
↪️Hyjng: Hoy! Bat ka nandito naghahanap ka nanaman ng malalandi.
↪️Slhyn: Paktay! Hala hindi hinahanap talaga kita dito babe! Ikaw parin lalandiin sa 2020.

Shuhua: I'm here date me! I-
↪️SooHOTJin: Hmm? Hi.
↪️Shuhua: Oh? Hiiiiiiii.

ChongKie: if you need a gf just date all of us!
↪️Donggg: Yes please!!!
↪️DamnMe: No!!! Elkie Handong leave this app or i'll tell Yoohyeon you want to date her.
↪️ChongKie: Sis leave me alone i'm from CLC.
↪️DamnMe: Oops my bad.

Sally: Is this really Tzuyu or just a poster.
↪️MinAh: Sis poser tawag dun.

2512 more comments...

_________

Di ko natapos ang pagbabasa ng comments dahil nakatulog nanaman ako....

Di ko natapos ang pagbabasa ng comments dahil nakatulog nanaman ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😴😴😴

Love Online. | Ongoing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon