34th Secret

1.4K 33 3
                                    

34th Secret



"It was you..."

Gone was the kind and cheerful person that he is. Parang nalaglag ang maskara niya kung saan niya tinatago ang kasamaan niya.

"I did it for you!"

I expressed my disbelief in his words.

"Why the hell would you do this for me?!" Sigaw ko.

Naglakad siya palapit sa akin. Kinakabahan pa rin ako kasi may hawak siyang baril. Hinaklit niya ako bigla kaya napasigaw ako.

Dumating ang mga back up na tinawag nung guard na pinatay niya sa harap ko. Pero wala silang magawa dahil hawak niya ako at nakatutok ang baril sa ulo ko.

He snuggled his face to mine. His evilly smelled me like a maniac. Naramdaman ko pa na hinalikan niya ako mula sa pisngi ko hanggang sa leeg ko. Pinilit kong magpumiglas sa pandidiri sa ginawa niya.

"I knew you were adopted since the beginning so I did not stop my feelings for you. You're mine, Victoria!"

Sunod sunod niyang binaril ang tatlong security ni TJ. Nanlumo ako nung makita ko silang bumagsak lahat sa sahig. Nanginginig na ako sa takot sa pwede niyang gawin sa akin. Hindi ko akalain na kaya niyang pumatay na lang basta. Nakakatakot siya sobra.

"Kuya Niel, please let me go." Nagmamakaawa kong sabi.

Hindi siya nakinig sa akin at hinarap niya ako habang sabunot ang buhok ko. Pagkatapos ay hinaklit niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.

"Tarantadong Tristan 'yan! Inunahan pa ako sa iyo. Akin ka dapat, Victoria. Akin ka!"

Napadaing ako sa sakit sa sobrang diin ng hawak niya sa mukha ko.

"Papatayin ko muna yang anak ninyo ni Tristan tapos si Tristan naman ang isusunod ko."

I shook my head as I pleaded him. But he wasn't in his right mind anymore. Iba ang mga mata niya. Puno ito ng kasamaan at galit. Siya ba talaga si Kuya Niel?

Hindi ako makapaniwala.

"If you'll kill them then kill me first." Hamon ko. He then smirked.

"Pinasabog ko nga ang planta niya, siya pa kaya?"

Oh God! Siya ang may pakana nuon? Sinadya niya rin ba iyon para umalis si TJ at makuha ako? I silently prayed for TJ's safety as I fight for mine.

I have to think quickly and I have to be brave. Kaya pang gumalaw ng ibang parte ng katawan ko. Dapat kong tulungan ang sarili ko na makawala sa kanya.

I immediately raised my left knee so hard to hit his thing between his legs. Agad siya bumagsak sa sahig sa ginawa ko. Nakakuha ako ng oras na hablutin ang baril mula kamay niya. Hinagis ko ang baril sa malayo na hindi niya maaabot. Hindi ko kaya itutok ito sa kanya. Hindi ako ganuon kalakas para gawin iyon.

Nakita kong pinilit na niyang tumayo mula sa pagkakaupo. Nahagip niya agad ang braso ko.

"Victoria!"

Nagpumiglas ako sa hawak niya. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya dahil iniinda pa rin niya ang sakit na ginawa ko kaya nakatakas agad ako.

Maingat ang naging paghakbang ko papunta sa drive way namin. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin.

"You can't escape from me!"

Hinarap ko siya bago buksan ang pinto ng isang sasakyan.

Falling SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon