Chapter 36

163 4 0
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 36

"Mas bilisan pa natin. Mas delikado kung aabutin tayo ng takip-silim dito"

Binilisan pa namin ang paglalakad. Parang tumatakbo na nga kami eh pero di namin masyadong nilalakasan ang pagtapak namin para di makagawa ng malakas na ingay.

Simula kanina, ayaw nang bitawan ni Dae ang kamay ko. Kahit namamawis na ang kamay ko, di pa rin siya bumibitaw. Bumaling siya sa akin. Humarap naman ako daan. Nahalata niya yata na kanina ko pa siya tinitignan.

"Don't worry. Parating na tayo doon" He gave me an assuring smile para mapanatag ako. Iba kasi ang pakiramdam ko kanina.

-Flashback-

"Hush, I'm here"

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ayoko ng magtapang-tapangan. It was really scared.

"Bagong biktima. Random lang sila galing sa iba't-ibang lugar. Kaya nga tinawag itong Suicide forest ng iba dahil kahit taga-malayong lugar pumupunta dito para lang...alam niyo na, mag-suicide. Those people lost their faith and some was just being influence" dinig kong sabi ni kuya Eloy.

"Nag-english ka talaga kapag sobrang seryoso ha? Nakakatakot ka pre" saad ni Dae kay kuya Eloy.

Di ko na narinig ang sagot ni kuya Eloy. Lumayo ako kay Dae para tignan ang tinutukoy ni kuya Eloy pero biglang iginiya ni Dae ang ulo ko papunta sa dibdib niya.

"D-Dae?!"

"Di mo kayang tignan ito" sambit niya.

"I-I can. Sanay na ako sa mga multo" pabulong na sabi ko. Mas hinigpitan pa niya ang kapit sa ulo ko.

"Pero hindi ito multo, Fee" sagot niya.

"Let her, Dae. To fight fears are to conquer them" dinig kong tinig ni kuya Eloy.

Dahan-dahan akong binitawan ni Dae. Kinakabahang lumayo ako sa kanya. Nilingon ko ang lugar kung saan ako hinila ni Dae. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking nakita. Corpses full of blood hanging at the trees was really gasping. Tatlong bangkay iyon, dalawang babae at isang lalake na nakapalibot sa'min- naaagnas, inuuod at nilalangaw. Di namin sila mga kilala. Totoo ngang random lang sila. Kahit sino pwedeng magpakamatay. Nanunuot ang masangsang na amoy ng nabubulok sa ilong ko. Nakakasuka dahil halos kita na ang buto ng ibang bangkay.

"Umalis na tayo" Napalingon ako kay Dae.

"Wait" pigil ni kuya Eloy. Sabay naman kaming napatingin ni Dae sa kanya. "This should be stop" pailing-iling niyang sabi.

Kumuha siya ng tatlong kandila sa bag niya at sinidihan ito sa tapat namin. Hmm, ano pa kayang laman ng bag ni kuya Eloy? Parang ready na ready. Alam niya kayang hahantong kami sa ganito? Kakain lang dapat sana kami sa labas. Ano ba ang kailangang sabihin ni kuya Eloy?

"Magdasal tayo para sa mga kaluluwa" sambit ni kuya Eloy. I closed my eyes and chant a prayer for those deads and lost souls. Muli kaming dumilat at huminga ng malalim. Naglakad na uli kaming tatlo palayo doon sa pwesto.

-End Of Flashback-

"Malapit na tayo" anunsyo ni kuya Eloy.

Still, kuya Eloy was still kuya Eloy. Sa unang tingin, di mo talaga mapapansin na mayaman siya dahil sa pagsasalita niya at sa itsura niya manamit. CEO pala itong kasama namin.

"Wait" sambit bigla ni Dae.

Biglang tumigil ang dalawa sa paglalakad kaya napatigil din ako. Tinignan ko ang tinitignan nila. Nagulat ako na mas marami pa ang bangkay na nakasabit at naka-kalat sa paligid.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon