Chapter 45

10.5K 526 18
                                    

"KIBER! 'Wag n'yo nga akong awatin! Sisigawan ko 'yan hanggang gusto ko!"

Zeph was ready to take in every word Dina seemed to want to throw at him. Naroon siya sa tindahan ng mga ito. He had a sudden urge to go back there. He was sure he missed something when he first talked to him, and he knew he wouldn't be able to sleep if he didn't see him again.

It had been three weeks. Three doggone weeks and the people he hired to find out where Flora were still unable to locate her. He couldn't concentrate on anything he did, so here he was, taking his chance in whatever Dina was gonna tell him. Tinanong niya ito kung tumawag ba rito si Flor at sinabi kung nasaan ito. At heto, mukhang nakapukaw siya ng matinding damdamin.

Pulang-pula ang mukha nito, halatang galit na galit. Ang kapal daw ng mukha niyang tanungin ito. Inaawat ito ng kapatid ni Flor na pagsalitaan siya.

"Ang kapal mo talaga!" nanggigigil na wika nito sa kanya. Marami nang napapatinging tao sa kanila subalit wala na siyang pakialam.

"So did she call up?"

"Kung tumawag man siya at sinabi kung nasaan siya, sa tingin mo, sasabihin ko sa 'yo?" Namaywang ito. "Pero tumawag siya at hindi masabi kung nasaan siya. Hindi naman aalis 'yon nang ganoon kung basta mo lang nasabihan, eh! May ginawa ka! Kilala ko si Flor. Hindi 'yon masisindak sa salita lang. Kaya sabihin mo sa akin, ano ang ginawa mo sa pinsan ko?"

"Tama na 'yan, Ate Dins," anang kapatid ni Flor dito.

"Heh! 'Di ka ba nagagalit sa lalaking ito? Siguro, inapi-api niyan ang ate n'yo! Ganyan naman sila, eh! Una, inapi ng nanay niya ang kapatid n'yo. Ngayon, siya naman!" Binalingan siya nito. "Alam mo, mabait ang pinsan ko. Napakasuwerte mo na sana sa kanya, pero ano ang ginawa mo? Bakit siya umalis?"

"Dina—"

"Alam mo ba, ha? Kung suwapang lang ang pinsan ko, milyonarya na sana siya ngayon. Alam mo bang binayaran ng isang milyon ng nanay mo si Flor para bumalik ka na sa inyo? Hanggang ngayon, nakakuwadro lang ang tseke ng nanay mo."

"What?"

"What-what ka riyan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sinabi sa 'yo ni Flor pero alam kong nagalit ka sa kanya. Katwiran niya, tama lang 'yon para bumalik ka na sa inyo kasi hindi raw siya bagay sa 'yo."

"I don't understand."

"Talagang you don't!" He pointed a finger at him. "Nagkasakit ka, 'di ba? Naisip niyang kailangan na niyang lumayo sa 'yo. Kinausap siya ng nanay mo, sinabing gumawa siya ng paraan para lumayo ka na sa kanya. Ginawa niya. Binigyan siya ng isang milyon. Gusto mong makita ang tseke? Nakakuwadro pa—"

He didn't need to hear the rest. He turned away, his head feeling about ready to burst.

"Kinakausap pa kita! Bumalik ka rito! Hindi por que mayaman ka ay puwede mo nang gawin ito sa amin! Ano'ng ginawa mo sa pinsan ko?!"

I made her run away. All your suspicions about me are right. I did all that to her and more...

"I'm going to take care of everything. I know you hate me but believe me, I'm gonna take care of everything. Thank you, Dina. Thank you." Bahagya nang nanginig ang tinig niya at nagtuluy-tuloy na siya sa kanyang sasakyan. He told the chauffeur to drive back to Manila.

Tinawagan kaagad niya ang kanyang ina. His voice shook. "Did you really give Flor a million pesos?"

"Hijo, w-where are you—"

"Did you?"

"Y-yes. But she never did bother to encash the check—"

Pinutol na niya ang usapan sapagkat hindi na niya maawat ang panginginig ng mga kamay, ang pagpatak ng mga luha, ang pagsakit ng dibdib.

God, what did he do? Would Flor ever forgive him? Oh, he wished to God she would. And how he wished he could find her.

Tinawagan niya si Narciso. "Man, I need your help."

"Why? What's up?"

"The people I hired couldn't find Flor. Do you know anyone who could?"

"Why can't you just let her go, man? What do you still need from her? I know you hate her, you told me so once. Drop all this—"

"I need to find her because I want to marry her."

"You what?"

"I want to marry her."

"Are you serious?"

"Why the hell would I joke about this? I am so fucking desperate! Goddammit!" Nadiinan niya ang mga mata nang mag-init na naman iyon. Tila may buhangin sa kanyang baga na umakyat na sa kanyang lalamunan. Mahapdi na iyon. "Are you gonna help me or—"

"I know where she is."

___

To support the writer, you may click the star button. You may also leave a comment. If you are in the mood to support the one giving you free reads, you can to facebook and like my page:

Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks.

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum