CHAPTER 6

4.8K 23 2
                                    

              " GOOD MORNING "

LENA:
  ( Napagod yata ang tatlo dahil nakatulog agad.. Nagising ako nang may kumatok sa kwarto katabi kong natutulog si Athena tapos si Kate then si Cindy ang sumunod.. Natutuwa ako sa kanilang tatlo dahil palagi silang nagkakasundo pero ang mas malambing kay Athena ay si Kate kaya't palaging inis na inis si Cindy. Haiss!.  Naging malungkot ako noong nawala si Alfred sa buhay ko dahil sa sakit niyang cancer but nakaya ko ito dahil alam kong nandiyan si Athena natutuwa ako sa kanyang paglaki dahil napakabait na bata nito.. Nagpapasalamat din ako sa diyos na ibinigay niya sa akin si Athena kaya't yun may nagbibigay sa akin ng ligaya kung may problema at malungkot ako. )

Good morning Lena! gising na! sabi ni mama

( Agad naman akong bumangon ) Ma! hehe napasarap po ang tulog ko.

Mama: Gisingin mo na sila upang makakain na.

Naku Ma, wag niyo po yan gisingin si Athena dahil maiinis lang po yan.

Mama: Ahh! ganon ba? ang apo ko talaga.

Ma! nasaan po si Papa?

Mama: Andoon sa sala nagbabasa ng diyaryo.

Si Papa talaga kahit noong maliliit pa kami yan palagi ang binabasa haiiss kaya't napakatalino ng kanyang apo nag mana siguro sa kanya.

Mama: O, sige! bumaba kana dito dahil handa na ang almusal.

Okay! po Ma susunod na po ako maliligo lang po muna..

( Naligo ako agad dahil naiinitan ako.. May Bathtub naman dito sa kwarto kaya't  dito nalang ako naligo. Pagkatapos kong naligo nag suot lang ako ng sando dahil naiinitan talaga ako dito siguro naninibaghuan lang. Then bumaba na ako. Nakita ko si Papa na nakatingin lang sa akin  habang naka smile )

Pa! bakit po? Parang ngayon niyo lang ako nakita?

Namiss lang kita Iha! tagal mo kasi na hindi na kana nakakadalaw dito. sabi ni Papa

Papa! naman ehh, ako rin po Pa! Namiss ko rin ko po kayo.

( Umupo ako sa tabi ni Papa at niyakap ko siya ng mahigpit niyakap niya rin ako  dahil namiss namin ang isa't isa lumuha ang mata ko habang niyayakap siya )

Papa: Iha! wag kanang umiyak.

Pa! naman namiss lang kita!

Papa: Oo na, nasaan ang apo ko?

Tulog pa po Pa! napagod siguro sa pag biyahe.

Papa: Hayaan mo munang matulog ganyan na talaga ang mga dalaga ngayon..

Oo nga po Pa! hindi parehas sa una.

Papa: Oo nga anak! Sige kumain kana doon nakahanda na ang almusal.

( Iniwanan ko si Papa sa sala at pumunta ako sa dinning area dami ng pagkain na inihain ni Mama. Ngayon kumakape lang ako wala kasing gana akong kumaim basta umaga nang may biglang nagsalita )

Hello po Mam! Good morning po.

Shiit! ginugulat mo ba ako? sabi ko sa hinayupak nato.

Ayy! Sorry po hindi ko po sinasadya.

Wait, Anong pangalan mo bakit ngayon lang kita nakita?

Ahmm, Mam ako po si John ang pinagkakatiwalaan dito sa bahay ng inyong ama.. All around po ang trabaho ko napakabait po nang inyong ama kaya't gustong gusto ko po siya. Sabi niya.

Ahh! Ahm, Nasaan ka kagabi bakit hindi kita nakita pagdating namin dito.

John: Ahmm, mayroon lang po akong inasikaso.. May sakit po kasi ang kapatid ko kaya't doon na lang po ako natulog sa Hospital .

Ahh ganon ba? salamat sa pagpupuri kay Papa. sabi ko.

Ahmm, wala po yun totoo naman po.  Mam kung mayroon lang po kayong ipag uutos sa akin wag po kayong mahiya I'm always here.. sabi niya

Hahaha! wow ha! pa english english ka pa diyan.. Pero salamat.

John: No problem Mam!

( Asuss! nagulat talaga ako kanina buti nalang nag explain itong hinayupak nato kung hindi naibuhos ko itong kape ko sa kaniya. But noong nakita ko siya parang gusto kong pakinggan lang siya. Gwapo naman ito katamtaman ang taas, matipuno at alam kong mabait ito.. Shit! ano daw? sabi ng utak ko.. )

"What are you DOING?"Where stories live. Discover now