Nag iisang linggo na ko dito pero Hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko,ni wala akong picture niya.Eto talagang si boss parating kulang magbigay ng impormasyon gusto niyang ikaw mismo ang didiskubre,sa gitna ng aking pag iisip nagulat nalang ako ng may tumapik sa balikat ko."Here,lalim ng iniisip natin ha..Care to share?" Sabay abot sakin ng softdrink.
"Thanks,by the way I'm Jared Choi" sabay lahad ng kamay para makipagkilala ngunit di niya ito tinanggap.
"Sandra, Sandra Fox" antahimik niya pero pag nakita mo ang mga mata niya nakikita mo ang lungkot.
"May hinahanap kasi akong babae,ang pangalan niya Anaestacia Vergara.Isang linggo na ko dito pero di ko parin siya makita." lumingon Siya at bumukas ang bibig niya ngunit walang lumabas na kahit ano soon yumuko nalang Siya.
"Wag mo na siyang hanapin,wala ka nang makikitang Anaestacia Vergara dito,matagal na panahon na"
Napaisip ako sa sinabi niya ngunit nahihiya akong magtanong,baka sabihin nito kagwapong tao chismoso.
"5years ago may isang masiyahing babae na nag ngangalang Anaestacia , kilala siya ng lahat..Modelo siya ng school pero isang araw nakita nalang namin siya sa isang kwarto dito sa school na wala nang buhay"
Nagulat ako sa kwinento niya , isang misteryo ang pagkamatay ni Anaestacia ..Sino ang gumawa nito sa isang babae?Kailangan ko siyang tulungan , ayoko na maulit pa ang nangyari sa kanya.Nakabalik ako sa katinuan nung may humawak sa balikat ko.
"Kanina pa kita kinakausap , asan ba utak mo?"napatitig ako sa kanya, bat ang ganda niya?Natural lang ang ganda niya di na kailangan lagyan ng kolerete.
"H-ha?Ah eh,may gagawin pa pala ko,bukas nalang ulit tayo..Bye"Kumaripas na ko ng takbo para matawagan si boss.
A/N: Sorry wala akong maisip.
*Vote and Comment
YOU ARE READING
Mystery of Megaleio University
Mystery / ThrillerIsang unibersidad na puno ng misteryo kung saan lahat pwede maging biktima o maging salarin. Paano kaya kung yung lulutas mong kaso ay ang kaso ng pinaka mamahal mo?