"Woah, selosa pala ang Kapatid ko." Asar saken ni Kuya.
"Selosa? Mukha mo. Bat' ako magseselos?" Sabi ko sakanya.
"Halata sa mukha mo. Defensive ka pa. Oh, jusko. Sino ang di selosa ha?" Sabi niya pa. Ugh, leche. Ewan ko ba dito sa feelings ko. Selos ba tawag dito?
"Oo, sige. Asar pa." Sabi ko sakanya nung makapasok na kame sa Condo namen nila Mommy. Iniwan na namen si Alec sa labas habang may katawagan. Pipe na sana yung kausap niya ngayon. Punyetang yon.
"Kailan ka maglilibot sa France?" Tanong ni Mommy.
"Siguro po, bukas nalang." Sabi ko naman sakanya.
"Mamaya ka na maglibot. Mauubusan ka ng time." Sabi naman ni Mommy at tumango nalang ako.
"Samahan na kita Kyra." Sabi ni Kuya.
"What? But why?" Tanong ko kay Kuya. Feel ko mauuwi lang kame sa away ni Kiya pag magkasama kame e.
"Madaming manloloko dito. Mapahamak ka pa." Sabi naman niya.
"I can handle myself, Kuya. Im fine." Pagmamayabang ko kay Kuya.
"Okay? Basta. Call me or call Mom pag may problema ha?" Sagot naman ni Kuya saken.
"Owsure. I owe you so much, Kuya. Mag-iingat ako." Proud kong sabi at kumain muna ako saglet at nanuod muna ng Movie, yung "The Maze Runner". Nag-enjoy naman ako sa pinanuod ko. Umalis nadin sila Mommy para sa Business. Ang busy naman nila agad. Kabagot dito sa Bahay ha. Maka-alis na nga lang.
Nagbihis lang ako ng Pink Long Sleeves at Skater Skirt na Floral. Puro nalang Floral yung damit ko eno? Pagpasensya!
"OMG. Eiffel Tower here i come." Sabi ko sa sarili ko. NagBus lang ako papuntang Eiffel Tower. Nagtanong din ako kung saan papunta ng Eiffel Tower.
"Pst, Babe." Tawag saken ni Alec. Snob mo lang Kyra. Wag mong pansinin. "Babe! Yohooo." Kalabit naman niya saken. "Aw, bat ang famous mo?" Sabi nya ulet.
"Dyan ka na. May kadate pa ako." Sabi ko sakanya.
"Sino naman yung Walangyang Lalake yon ha? Wag mong sabihing, pinagpapalit mo na ako?" Tanong niya saken.
"Maglubay ka nga. Pupunta ako sa Eiffel Tower. Maghi-hiking ako don." Sabi ko naman sakanya, syempre CHAR lang yon. Charot.
"Sige, enjoy sa hiking mo ha! Di na pala kita dadamayan." Sabi niya saken.
"Leche, di mo din pala ako dadamayan sa pagHi-hike." Sabi ko naman at inirapan ko lang siya.
"Oo naman yes. Joke. Sasamahan kita kahit anong mangyare. Kahit na mamatay man tayo kakahike dyan sa Eiffel basta kasama kita." Sabi naman niya at bumilis yung tibok ng puso ko. Lecheng puso. Tumitibok pa.
"Wag kang Corny iho." Sabi ko sakanya.
"Okay po Nay. I love you." Sabi naman niya saken. Nagulat nalang ako bigla. Mag-iloveyou daw ba? Abnormal na tunay.
"Oo. Pakyu sagad." Sabi ko naman sakanya saka piningot ko yung tenga niya.
"I love you more." Sabi niya pa.
"Tigilan mo na Brandon! Baka mapunta pa sa FOREVER at Infinity and Beyond e, di naman matupad tupad." Sabi ko naman sakanya.
"Bitter din pala 'tong Babe ko. Ang cute mo talaga Babe." Sabi ni Alec at pinisil niya yung cheeks ko. Owmy!! My beautiful cheeks. Namumula na siya.