EPILOGUE
ISANG putok ng baril ang narinig ni Shibazaki mula sa loob kaya lalo niyang binilisan ang pagtakbo.
"Shit!" Malakas na mura nito, halos liparin ang hagdan paakyat sa ikalimang palapag.
Nang makarating ay mabilis niyang iginala ang mga mata upang hanapin ang pakay. Ang mabilis niyang hakbang ay biglang nahinto pagkapasok niya sa isang silid, sinalakay siya agad ng matinding amoy ng pinagsamang mala-kalawang na amoy at kamatayan. Nakita niyang nakayukyok ng upo sa lapag si Nabeshin. Mayroong mapulang marka sa pader sa may likuran nito kung saan pumulandit ang sama-samang dugo, buto at utak nito. Umaagos mula sa sumabog nitong bungo ang masaganang dugo, nasa kamay nito ang isang baril.
Nagtagis ang mga ngipin niya dahil nahuli siya sa pagdating. Napabuntong-hininga na lamang siya pagkalapit sa bangkay, nakabukas pa ang mga mata ng binata pero pinigilan niya ang sarili na isara ang mga iyon o galawin maski kaunti dahil baka makontamina ang crime scene at ang bangkay. Mayamaya pa ay marahan niyang iginala sa paligid ang tingin, pero agad na napadako sa pinto ang pansin niya nang dumating si Hamura.
"Sir Shibazaki positive na inilibing si Toji Hisami sa likurang bahagi nitong building. Sa ngayon ay iniaahahon na ang labi niya sa hukay," report nito sa kanya.
Tumango si Shibazaki na sumilip sa bintana at tumingin sa ibaba ng gusali kung saan kasalukuyang inaalis sa hukay ang mga labi ni Toji. Muli niyang sinulyapan ang katawan ni Nabeshin.
Kanina habang nasa restaurant ang grupo nila ay bigla na lamang may tumawag sa cellphone niya. Hindi na bago sa kanya ang tawagan ng unknown number pero medyo nainis siya dahil naantala ang pagsasaya niya. Naisip niyang baka pinagtri-trip-an lang siya.
Pinagtawanan pa niya ito, sinabi pa niyang hindi siya naniniwala.
Ang akma niyang pagpatay sa tawag ay naudlot dahil sa sunod nitong sinabi:
"Detective Shibazaki, hindi ba't gusto mo akong makita?" malamig na sabi ng kausap niya, dahilan para matigilan ang pulis.
Pamilyar ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin. Paano mo nakuha ang numero ko?!" nagtatakang tanong ni Shibazaki, tuluyan na niyang sineryoso ang tumawag.
Narinig ni Shibazaki ang pagbuntong-hininga ng lalaki.
"Wala na akong oras para magpaliwanag, sundin mo lamang ang lahat ng sasabihin ko..."
Kahit nag-aalangan ay pinakinggan na lamang niya ito."May ise-send akong location kung nasaan ako, mula sa likurang bahagi ng gusaling kinaroroonan ko ay inilibing ko si Toji Hisami."
Hindi nakaimik si Shibazaki sa narinig, kaya pala kahit anong hanap niya sa binata ay hindi niya ito natagpuan. Isinalaysay rin ni Nabeshin na ito ang nakapatay sa kaibigan nitong si Toji.
Muling napasulyap si Shibazaki sa bintana kung saan nakita niyang patuloy na bumabagsak ang niyebe, mayamaya ay marahan siyang naglakad at nilapitan ang lamesa kung saan mayroong nakapatong na picture frame sa lamesa. Maang itong pinakatitigan ni Shibazaki. Hindi siya maaring magkamali, siya ang kumuha ng litratong iyon mula sa beach may ilang taon na rin ang nakararaan. Isang mapaklang ngiti ang kumurba sa labi niya.
"Iba rin magbiro ng tadhana..." bulong na lang ni Shibazaki.
***
LUMIPAS ang ilang buwan patuloy na umere ang ZNT, ang lahat ng kikitain ng naturang anime series ay mapupunta sa lahat ng mga charity institutions sa bansang Japan. Maski si Shibaki ay pabor doon, maganda ang tema at hatid ng naturang anime series dahil ipinakita roon kung gaano kabulok at kawalang-hiya ang mga nanunungkulan sa gobyerno sa kanilang bansa. Kung gaano nagpabaya ang mga ito sa mga pamilyang naiwan ng nakipaglaban noong World War II. Kasali na roon sina Nabeshin at Toji na maagang naulila, ang totoo, maski siya'y naranasan ang maulila. Kasama ang mga magulang niya sa mga napaslang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nalaman ni Shibazaki mula sa virtual diary ni Toji na hango sa totoong buhay nilang magkakaibigan ang bawat episode ng ZNT. Ang theme music na Von ng ZNT Nordic word na ang ibig sabihin ay Hope. Iyon ang musikang palaging pinakikinggan ni Nabeshin na nagbigay ng pag-asa sa magkakaibigan upang makabuo ng isang epic na anime series sa Japan sa taong 2014.
Hindi na isinapubliko ang nangyari kay Nabeshin dahil na rin sa kahilingan nito. Napag-alaman ni Shibazaki sa autopsy na mayroong malignant na tumor si Nabeshin sa utak. Ayon sa psychiatrist na tumingin dito, iyon at iba pang trauma, depression, anxiety, at paranoia ang mga posibleng nakaapekto sa pag-iisip at moralidad ni Nabeshin dahilan upang mapatay nito si Toji.
"Salamat sa magandang obra na ipinamahagi niyo Nabeshin, Toji, Von at Shan... sana'y makamit niyo na ang katahimikan." huling sabi niya bago tuluyang tumalikod sa puntod ng magkakaibigan.
Paalis na siya nang muli ay sinulyapan niya ang photo frame na nakasabit sa dingding.
Ipinaayos na niya iyon, kaya lalong lumitaw ang masasayang mukha at buhay na buhay na ngiti ng mga ito.
Tila nakita pa niya mula sa gunita ang pagkaway at paghahawak kamay ng magkakaibigan na pinagtagpong muli ng kamatayan...
WAKAS.

BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
FanfictionVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...