"Unggoy, bitawan mo ang kamay ko!" mataray na sabi ni Kaye kay Kenneth.
"Ay.. sorry...." nahihiyang sagot naman ng batang lalaki na tila na-starstruck sa pagkakahawak sa kamay ng bagong kalaro, at yun eh kung papayag itong makipaglaro sa kanya dahil parang tatarayan lang s'ya nito. "Teka, sinong unggoy?!" dugtong pa nito para mabawi ang pagkapahiya.
"Sino ba ang may hawak ng kamay ko, 'di ba ikaw? Kaya ikaw ang unggoy!" tugon ng batang mataray sabay bitaw sa kamay ng batang tinawag n'yang unggoy.
"Ang sungit naman n'ya, pero ang ganda pa din kaya s'ya ang first love ko." bulong ni Kenneth kay Kris.
"First love agad? kanina crush mo palang, 'di ba seven years old ka pa lang, bakit ang dami mong alam?" napapakunot-noong sagot naman ni Kris. "Laro na nga lang tayo." pag-aanyaya pa nito sa mga kalaro.
"Kaye, ikaw ulit ang prinsesa dahil ang ganda na naman ng suot mo." sabi ng pinakabatang si Karen.
"Si Kenneth ang prinsipe, uuyyy." gatong naman ni Karl, palibhasa sawa na itong maging prinsipe ni Kaye tuwing maglalaro sila.
"Prinsipe Unggoy!" pang-aasar naman ni Kaye sa batang kanina lang ay sinusungitan n'ya.
"Ikaw naman si Prinsesa Sungit!" ganti naman ni Kenneth.
"Ayyieeeh" kinikilig na sabi ng tatlong magkakapatid.
---------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Ayan, pagpasensyahan n'yo na ulit.. ito palang talaga ang kaya ko.. pwede po kayo magcomment ng suggestions.. paulit-ulit na ko every chapter.. hahaha.. Salamat po uli sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa.. :)
Dedicated to cursingfaeri dahil ang story n'ya ang kauna-unahan kong natapos basahin sa watty.. Miss Astig, maganda po 'yun. basahin n'yo din. :)