Tiklop

40 2 0
                                    

Lagi nalang tanaw
titigan na walang koneksyon
damdamin natin salungat
mga matang walang senyales ng emosyon

tingin ay nangungusap
hirap mawari ang ibig ipasabi
tinginan na madalas maputol
ipabatid sakin na walang puwang sayong buhay

lisanin nang tuluyan ang ugat ng ugnayan
pagkat ako sayo ay walang kalalagyan
nararamdama'y ililihim, itatago
gayong pagtingin sayo ay di na mababago

ikukubli't ikukulong sarili sa lungkot
nagdurusa emosyon sayo ay umikot
umasang sarili sayo ay bubuuin
di inakalang sayo ito'y wawasakin

Isang pagkakamali ang mahulog sayong mga salita
sa patibong na tila ba ipininta
puso't isip ikaw naging laman
ipinagkaila nang ito'y iyong malaman

Istorya natin ay di kailanman mabubuklat
mga pahina sa bawat kabanata'y di masusulat
ating kwento ay di kailanman malilimbag
naisin ng kalooban man ay malabag

gayong tayo ay akda na di kailanman mauungkat at mananatiling tiklop...

TiklopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon