Mahirap pala
Mahirap palang pigilan ang love 'no?
Akala mo kaya mo kasi takot kang masayang ang pagsasamahan niyo
Akala mo kaya mo kasi takot kang 'di mo siya mapahalagahan kapag naging kayo
Akala mo kaya mo kasi takot kang masanay sa presensiya niya
Tapos bigla na lang siyang mawala sa'yo
Akala mo lang pala
Tangina
Pero mas mahirap palang magkagusto ka sa taong 'di pa tapos magmahal ng iba
Naniwala ka naman noong sinabi niyang gusto ka rin niya
Tanga ka rin e
Alam mo kung gaano niya kamahal 'yung tao
Alam mo kung paano kumikinang ang mga mata niya
Kapag kinukuwento niya ang pagsasamahan nilang dalawa
Alam mo kung paano siya nasasaktan
Tuwing umiiyak siya dahil siya'y iniwan
Alam mo kung gaano karaming beses siyang nagpatawad
Kahit 'di naman deserving 'yung taong patatawarin niya
Alam mo naman 'yun 'di ba?
Pero wala pa rin
Naging komportable ka pa rin sa kanya
Naging masaya ka pa rin sa kanya
Itinuring mo pa rin siyang isa sa importanteng tao sa buhay mo
Pero tangina mas malala ka sa kanya
Kaya mo pa namang pigilan 'di ba?
Isipin mo na lang ang mga ngiti niya kapag magkasama sila
Isipin mo na lang na kahit anong gawin mo ay di mo siya kayang pantayan
Isipin mo na lang na 'di mo siya kayang pasayahin katulad ng saya niya kasama siya
Isipin mo na lang na kaya ka niyang iwan the moment na marealize niyang mali kasi mahal pa niya
Importante ka raw sa kanya e
Siguro naman ganun ang gagawin niya
Mahalaga siya sa'yo 'di ba?
Tangina makuntento ka
At least kahit kaunti napapasaya mo siya
At least ikaw ang nilalapitan niya 'pag may problema siya
At least sabi niya komportable siya sa'yo
At least sabi niya mahalaga ka sa kanya
At least kahit kaunti takot siyang mawala ka sa buhay niya
At least tangina kasama mo siya
Pigilan mo ha
Kasi kapag 'di mo napigilan
Talo ka
YOU ARE READING
Random Writings
PoetryA place where I write the string of words that comes into my mind.