CHAPTER 31- FORGIVE ME

77 21 0
                                    

Shawn

Habang pababa ako ng hagdan bitbit ang mga gamit ko ay naisip ko na naman yung babaeng naka mask, Ano ba kasing kasalanan ko dun sa babaeng yun? kung bakit kailangan pa niya kong bantaan ng ganon

"Ohh san ka pupunta?" Pag tatanong ni tita habang bumababa ako ng hagdan "Bakit dala mo ata lahat ng gamit mo?" dugtong nito

"Nakahanap na po kasi ako ng mauupahan, kaya aalis na po ako dito. Nasaan po ba si kim?" Pag tatanong ko dito sabay ang pag lapag ng aking gamit sa sahig

"Wala siya e, lumabas kasama ang mga kaibigan niya" Sambit ni tita

"Ahhh ganon po ba, Uuna na po ako. Tutal na sabi ko narin naman po kay kim na lilipat na po ako" Sambit ko dito sabay ang pag buhat ulit ng aking mga gamit

"O-ohh Sige, basta mag iingat ka iho" Sambit ni tita

Lumapit na lang ako dito at tsaka lumabas ng bahay habang nilalagay ang mga gamit sa aking kotse

Nasan ba si kim, hindi ba niya alam na ngayon na ko aalis. sinabi ko sa kanya yon pero bakit wala siya

Pumasok na ko ng kotse at agad na pinaandar ng mabilis ang sasakyan ko, bago pa man ako makalayo ay kumaway muna ako kay tita simbulo ng pag papaalam at pasasalamat

Habang nag mamaneho ako ay hindi ko maiwasang isipin si Kim, naisip ko kasi na ngayon ko na sabihin sa kanya ang totoo. Ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sayo kim, alam kong masasaktan kita ng sobra dito. Pero mahal ko parin kasi si angel, patawarin moko

Hindi nag tagal ay agad na akong naka rating dito sa subdivision na aking uupahan at titirhan.

Sinalubong naman ako ng may ari ng subdivision na ito at agad na binuksan ang pinto para papasukin ako

"Sir, ito po yung magiging bahay nyo. Medyo malaki din naman po ito" Ani nito habang nag lalakad sa loob ng bahay at agad ko namang nilapag sa sahig ang mga dala kong gamit

"Sir dito po yung kwarto niyo" Turo nito sabay ang pag bukas ng pinto ng magiging kwarto ko "At dito naman po ang cr at banyo" dugtong nito

Ngiti na lamang ang naging sagot ko dito "Sir ito po yung susi ng bahay, pag may problema po tawagan nyo lang po ako, eto po yung number ko" Pag aabot nito ng susi ng bahay at papel na malamang may number niya

"Salamat" Sambit ko at agad itong lumabas

Lumupagi na ako sa aking kwarto at tumingin sa kisame "Not bad, Ayus na din to sakin. Kelangan ko na lang mag hanap ng trabago" Sambit ko

Hindi ko na naman napigilan ang babaeng nasa park kanina, Kung si angel yon bakit walang nababalita na umuwi na sila dito at kahit si sam hindi ko nakikita dito

Bumangon ako sa aking kama at agad na kinuha ang mga gamit ko sa sofa at agad na ipinasok sa loob ng kwarto ko

Lumabas na ako ng kwarto at agad na nilibot ang buong bahay. Hindi siya kalakihan at hindi siya kagandahan pero kontento na ko dito, Kailangan ko lang lumaban at ipakita kay dad na kaya kong mabuhay ng wala siya

Habang nililibot ko naman ang aking tingin ay biglang tumunog ang aking phone

*Ring*

"Hello?" Sambit ko sa kabilang linya

"Hello anak? Shawn." Sambit ni mommy

"Mom? Sambit ko "Kamusta na po kayo? Si tiffany po kamusta?" Sambit ko dito

"Maayus lang naman kami anak, Tsaka si tiffany. Huwag mo na kaming isipin, ikaw kamusta kana anak?" Sambit ni mommy

"A-ayus lang naman po ako" Sambit ko dito

"Patawarin mo ang dad mo ha?" Sambit ni mommy

"Wag po kayong mag alala, Ipapakita ko lang sa kanya na kaya kong mabuhay ng wala siya" Sambit ko

"Anak naman" Sambit ni mommy

"Sorry mom, Ikamusta nyo na lang po ako sa kapatid ko, May mga gagawin pa po ako" Sambit ko dito sabay ang pag patay ng tawag namin

Nilapag ko na ang cellphone ko sa table na nasa harap ko at agad akong bumagsak sa sofa

Tumayo na akong muli para itxt si kim at sabihin na mag kita kami sa coffee shop

Pumasok ako sa kwarto ko at agad akong nag palit ng damit

Hindi naman tumagal ay agad din akong lumabas para sumakay na ng kotse at pumunta ng coffee shop kung saan kami mag kikita ni kim

Hindi naman tumagal at nakarating na din ako dito at napansin ko naman na nandun na siya sa loob at naka upo

Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob

Lumapit na ako dito at agad na umupo sa harap nito

"Ano bang pag-uusapan natin?" Pag tatanong nito

Ngumiti muna ako dito at agad na hinawakan ang kamay nito, Tumingin naman ito saakin at napansin ko sa mga mata niya na parang alam na niya ang sasabihin niya

"P-patawarin moko kim" Sambit ko dito habang naka yuko at patuloy na nakahawak sa kamay nito

"P-pawatarin? Saan?" Nalilitong sambit nito

"Kim, ayoko na. Patawarin moko pero hanggang dito na lang tayo" Sambit ko dito hindi ko na napigilan ng lumuha dahil nadin sa nasaktan ko siya at nasasaktan din ako

"Babe, ayus ka lang ba? Nag bibiro ka lang diba?" Sambit nito sabay ang pagpilit na ngiti saakin

"S-seryoso ako kim, Patawarin moko pero mahal ko parin si angel" Sambit ko dito habang lumuluha

Hindi nakapag salita si kim, At agad na bumitaw ito sa pagkakahawak ko dito "P-patawarin moko kim" Sambit ko ulit dito

"Noon pa man,napapansin ko na napipilitan ka lang sakin" Sambit nito sakin habang naka titig sa malayo at unti unting lumuluha "Naiintindihan kita Shawn, alam kong kahit kailan hindi ko mapapantayan si angel" Sambit ulit nito

Dahil sa mga binitawan niyang salita, hindi ko na napigilan ang humarap dito at hawakan ulit ang kamay nito

"Patawarin moko, please" Sambit ko dito. Inilalim nito ang aking kamay habang ang mga kamay nito ay nasa ibabaw ng aking mga kamay

Ngumiti ito at agad na tumayo "Kahit kailan, Hindi ako mananalo pag dumating yung dati" Sambit nito sabay ang pag pilit ng ngiti at agad na lumabas ng pinto

Hindi ko na napigilan ang umiyak ng umiyak, "Napaka sama kong tao! Napaka sama kong tao!" Sambit ko sabay ang pag kalabog ng mahina sa table

Itutuloy...

The girl behind the mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon