Hi! Ako si Ian. Isang 2nd year, Marketing Management student sa isang kilalang University sa Dasmarinas, Cavite. Mahilig ako maglaro ng online games. Ang totoo nyan, naadik ako sa paglalaro simula pa lang nung 1st year HS ako. Nalaro ko na ata halos lahat ng online games: O2 Jam, Ran, CrazyKart, iDate, at Audition.
Nagsimula ang lahat sa paglalaro ko ng Audition Dance Battle. Nagsimula ko 'tong laruin nung 2nd year HS pa lang ako. Nung una, hindi ko siya gusto dahil unang una, hindi naman ako sumasayaw at hindi rin ako mahilig sa sayaw. Pero habang tumatagal, nagugustuhan ko na rin sya kasi marami akong nami-meet na tao at nagiging kaibigan ko (though hindi ko sila nakikita kasi nga online lang).
May 2010
Naghahanap ako ng magandang room kung saan maganda maglaro. Hanggang sa maka-join ako sa isang room na dalawang magkaibigan yung nandun. At first, tahimik lang ako kasi nga hindi ko naman sila kilala. Nag-uusap sila ng chinese, so lalo akong hindi makapag-react kasi hindi ko sila maintindihan. I remained silent na lang. Mag-5mins na siguro nun pero di pa rin nag-sstart yung game. So I asked the 'DJ' (yung owner ng room), "Hindi pa ba mag-sstart"? Then she replied, "Ay oo nga pala, sorry. Haha!" After nya sabihin yun, she started the game. When we were playing, they keep on talking to each other in chinese. So syempre, ganun ulit. Tahimik lang ako kasi di ko sila maintindihan. Nung matapos na yung game, umalis ako sa room nila to find another. Scroll up and down, pero wala akong makitang magandang room! Kaya nag-decide ako na bumalik dun sa previous room na sinalihan ko. Again, tahimik lang ako. Naka-ilang games din kami nung sinabi nung isang babae na kailangan na niya umalis kasi may pupuntahan pa siya. Kaming dalawa lang nung 'DJ' ang naiwan sa room. That's the only time na nag-type ako kasi ang awkward na ng situation.
"Hi! Anong name mo?"
- Hello, ako si Bea :)
"Nahihiya ako mag-type kanina, hindi ko kasi kayo maintindihan. Haha!"
- Haha! Pasensya ka na. Na-OP ka tuloy.
"It's fine. For sure ngayon naman hindi na ako mao-OP eh :p"
____________________________________________________________________
Mahirap i-explain, pero dun nagsimula ang friendship namin. ☺ Kahit ako nabibilisan pero hindi natapos ang May na hindi naging kami. With that short period of time, marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Open kasi siya, at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.
November 2010
6 months na mula nung naging kami. Nagbabatian kami ng "Happy Monthsary" at nagsasabihan ng "I love you" pero nun ay hindi ako seryoso sa kanya. Ayoko siyang seryosohin kasi I just met her online lang naman. Naninigurado lang ako at ayokong maloko. Sino ba naman ang gusto di ba? Malayo kami sa isa't-isa. Dito ako nakatira sa Cavite at siya naman ay sa Manila. Pero hindi yun naging rason para lokohin ko siya at maghanap ako ng iba. ☺
May 2011
So ayun. Lumipas ang mga buwan hanggang nag-May na ulit. It's our 1st Anniversary! ☺ I never thought na magtatagal kami ng ganun katagal. Lalo pa't hindi ko pa siya nakikita. Pero longest relationship ko na yun! Naging masaya ako sa kanya. Natuto akong makuntento sa anong meron ako at hindi sa kung anong meron ang ibang tao. Palagi kong iniisip na, "She's a blessing kaya dapat ko siyang ingatan at alagaan ng tama."
______________________________________________________________
Hanggang ngayon, October 2012, kami pa ring dalawa. It's been 2 years and 5months mula nung magkakilala kami. ☺ Corny sabihin kung manggagaling sa isang lalaking katulad ko pero, "Mas lalo ko siyang minamahal araw-araw." Kahit na minsan ay may mga 'di pagkakaunawaan, pinipilit ko siyang intindihin para maging ok ulit ang sitwasyon at maisaayos ulit ang aming relasyon. Mahal na mahal namin ang isa't-isa. Palagi kong siyang ipinagdadasal at araw-araw akong nagpapasalamat kay God na binigay niya sa akin ang isang babaeng mamahalin at tatanggapin ako kung ano at kung anong meron ako. ☺
*end
Thanks for reading ;)
YOU ARE READING
Distance doesn't matter ☺
Teen FictionPinakamahirap na nga ata ang magmahal ng hindi mo nakakasama. Pero kung mahal mo talaga, matitiis mo. Have fun reading! :)