BALLPEN

174 4 0
                                    

(High school sila dito sismars)

Karylle's POV

Kakagaling ko lang sa national bookstore at bumili ako nitong ballpen na maring kulay. Syempre uso to tsaka mahilig ako sa calligrahy at malaking tulong din to. Medyo mahal nga lang kaya isa lang nabili ko pero at least meron diba?

Papunta na ko sa sa classroom ko ng bigla akong hinarang netong padet na to, "Hi miss. Ganda naman ng ballpen mo akin na lang." sabi ng kumag na to tapos hinablot yung ballpen ko.

Hmmph. Pasalamat siya hindi ko siya kilala kungdi kanina ko pa nasapok to. "Akina yan!" Sabi ko ng pataray, syempre attitude ako e.

Shet ang tangkad. Tinry kong abutin yung pen pero hindi ko maabot kasi ang tangkad nga.

Makulit ka ha, kinurot ko siya sa tyan at hinablot ko pabalik yung pen. Pero hinila niya din. Hanggang sa nabali yung pen.

Napakunot noo ako, bwisit to isang linggong baon ko rin yun noh! Binigyan ko siya ng matinik na tingin habang nakatingin siya sa pen ko.

"Ano ba kasi!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Tapos biglang sumulpot si Elbruh. Bespren ko since elementary.

"Huy teka lang anong nangyayari?"

"Eh yan kasi eh! Ang yabang porque matangkad. Uuwi na ko bruh. Panget!" Sigaw ko directly to that tall post.

---

"Oh bat ang haba ng mukha mo?" Tanong ni mama pagkapasok ko sa bahay.

"Eh kasi po may amihan dun sa school. Inagaw yung ballpen ko. Pinagipunan ko pa naman yon." Naka kunot noo ko pa ring sabi.

Nagpunta na ko sa kwarto ko at nagbihis na lang nang bigla akong tawagin ni coco. "Te may naghahanap sayo!!"

Bumaba ako at nilabas yung naghahanap sakin... si Vhong lang pala. "Oh bruh, baket?"

Nakangiti lang si Vhong ng biglang lumabas mula sa damuhan yung kumag kanina. "Hi miss." Sabay abot sakin ng bagong ballpen na may iba't ibang color.

Tinignan ko silang dalawa ng masama, "Lumayas ka. Nagdidilim ang paningin ko."

"Gusto mong flashlight?" Tanong pa ng pilosopo. Natatawa tawa naman si Vhong kaya't kinurot ko na siya sa braso.

"Ano ba! Wala ako sa mood makipag biruan magsilayas na kayo." Last warning ko nang biglang lumabas si mama.

"Ano ba yan--" naputol ang sasabihin ni mama ng makita niya yung damuho. Na bago sa kaniyang paningin.

"Good afternoon po." Wow naging anghel.

"Hi po tita." Bati ni bruh at bineso si mama.

"Good afternoon. Pasok kayo. Ano Ana Karylle?" Sabi sakin ni mama at pinapasok na ang mga masasamang espiritu. Masyadong maligalig si mama ha.

Tuwang tuwa si mama kay 'Vice' daw. Pinakain pa dito sa sobrang tuwa. Ano ba yan lalo lang ako nabadtrip sa panget nayon.

Pag baba ko, "Karylle, kay gwapo naman ng bisita mo! Boyprenin mo na yan!" Sabi ni mama enthusiastically.

"Ma, anong gwapo dyan??? Nasaan??" Sabi ko naman sarcastically at umupo na lang sa sofa sa salas. Matapos kumain, hinila ko si Vhong.

"Anong ginagawa niyan dito?!" Pabulong na sigaw ko.

"Grabe ka naman dun sa tao bruh h--"

"TAO BA YON?!" Eksaj ako syempre.

Magsasalita pa ulit si Vhong ng biglang sumulpot si kumag, "Gusto lang naman kitang kilalanin--"

"Ako si Karylle. Oh pwede ka nang umalis." Sabi ko at tapik sa balikat nya sabay akyat na sa kwarto ko.

Nakakainerz. Di man lang ako tinawag ulet. Charot.

---

So ayon, hate hate friendship hanggang sa niligawan ako ni panget. After two months sinagot ko rin. Mapilit eh. Naging mag jowa kami for 10 years, wow naka survive ako? At nung 25 na ko at 27 na siya nag pakasal na kami. He's my first and my last. Biniyayaan kami ni Lord ng 2 supling and that's the story of the highschool sweethearts of Showtime National High School na nabuo ng dahil sa ballpen kong rainbow.








Vote mo na sismars, wag ka na mahiya.
Also send lang kayo ng mga scenarios na pwede kong gawin as one shot tenchu labyu.

ViceRylle Short StoriesWhere stories live. Discover now