Atheo's POV
Muntikan ko nang mahati sa dalawa ang kaibigan kong si Antheia nang sabihin niyang nilagay niya na ako agad sa listahan.
Wala manlang pa warning si gaga, pano kung di ko gustong sumali? Edi nagaway kami noh? Buti na lang eh naisipan kong sumali, pero ayoko na talaga eh
As much as I want Cait's attention.. I can't talaga. Baka mabaliw ako dun sa sobrang kilig kapag napanood niya kami
Pero.. Imposible naman na ako lang ang panoorin niya diba? Baka nga yung baseball team pa ang panoorin nun. Eh pano naman kasi.. she's straighter than a fucking lamp post.
Wala akong pagasa dun, mga unathletic boys pa nga lang sa school nila at sa school namin attractive na, pano pa kaya kung yung mga varsity players na, na naglalakihan ang mga katawan.
Napa buntong hininga ako sa kakaisip. Nako, bakit ko ba kasi iniisip 'to? I should be paying attention in class eh.
".. nakakatawa ka Atheo, di ka naman nakikinig sa kahit anong lesson eh" Bulong ko sa sarili habang nagdu doodle sa notebook ko.
Nabo boryong ako kasi itong magaling kong kaibigan eh mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pasimpleng takip lang sa mukha gamit paño.
Pero di nagtagal at napansin si Theia na natutulog at hinampas ito sa ulo ng naka roll up na papel.
Ayun, si gaga, nagising at napahiyaw pa ng "Amen"
"Ms. Mandeiyo, hindi ito church para pagdasalan mo kaming lahat habang nagle lesson ako" Sabi ng masungit naming teacher na si Sir Darrio.
Ngumiti ito ng sarkastiko kay Theia, "Ah.. sorry po sir" Inosenteng sagot ni Theia.
Gulat ako na naniwala pa sakanya si Sir Darrio and halata namang di nagdadasal yan eh. Bakit ako kapag natutulog eh di manlang nila naiisip na baka nagdadasal din ako.
Ang anper.
"Nguso mo Atheo, makaka abot yan kay Cait" mahinang pangaasar saakin ni Theia nang bumalik na sa harapan ang teacher namin.
Kakagising lang ng bruha eh may gana na agad na mangasar. Tulak ko kaya 'to sa upuan niya.
"Kakagising mo lang ang lakas agad ng trip mo" Sagot ko dito at ngumiti naman ito. Creepy niya talaga
"Try out mo na mamaya ahh, goodluck. Sure ako makakapasok ka kasi andun si Cait eh. Gaganahan ka" Pagpapatuloy niya sa pangaasar.
Inirapan ko na lang ito at lumingon sa ibang direksyon. Wala kasi akong masasagot sakanya, wala naman kasing natitipuhan si Theia kaya wala akong pangasar sakanya.
At.. totoo naman kasi yung sinabi niya, bakit ko naman ide deny diba? Wala pa ngang try outs eh nararamdaman ko na agad yung energy na nafi feel ko kapag alam kong andiyan si Cait.
Ang weird ko na talaga sobra, epekto ito ni Cait saakin. Daig ko pa mga pasyente sa mga mental.
_______________________
"Ay! May naalala ako!" Sigaw ni Theia with matching hampas pa saakin. Wow ha, kailangan lahat ng sasabihin niya may kapartner na pananakit.
"Aray ko naman, Theia! Kalma lang ha? Di ako punching bag!" Inis na sabi ko dito habang hawak hawak ang parte ng braso kong hinampas niya.
Natawa naman ito saakin, "Eh, kasi naman ngayon ko lang naalala!"
Nagtataka akong nakatingin sakanya, ano nanaman ba ang naalala nitong bruhang 'to?
"Malapit na Valentine's" Sabi nito habang mayroong pilyong ngiti. Nakaalala tas nakaisip nanaman ng kalokohan ito.
"Oh ano naman?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her From A Far (gxg)
Teen Fiction"Diver ka ba o tanga ka lang talaga?" "Hindi ako tanga noh! Tsaka.. bakit naman ako magiging diver?" "Kung 'di ka tanga, edi diver ka" "Bakit nga?" "Kasi paulit-ulit ka na lang tumatalon at nagpapakahulog sakanya pero di ka napapagod at natutuwa...