Coleen's POV
Hindi na natulog si Mitch at Jenny para matawagan nila ako bago kami sumakay ng eroplano. Flight namin 6am. Nasa airport kami ng 3:30am. Hays. Na-fi-feel ko na pagkahome sick kahit di pa kami umaalis.
Nasa check in sina mommy't daddy at si Kuya naman binabantayan muna si Margaux. Making sure safe ang flight para sa aso. At least, nakahanap din ng way makasama parin si Margaux. At di ba? Sosyalin ang aso, makakarating sa states!
Anyways, nakikinig lang ako sa ipod ko. Mga senti na kanta na bagay na bagay sa mood ko ngayon. Bwisit. Dahil sa Paul na yan. Oo, para sa edad niya 15 napaka-bata. But hello! Di ako immature no! Okay, slight but not totally! Engot ba siya? Ba't ko naman isusumbong?! Jusko naman. Ako malalagot if ever.
But he did question when I said magsisisi siya na sinaktan ako. Wanna know what I mean na magsisisi siya na sinaktan ako? Well.. Kahit ako di ko din alam eh, sinabi ko lang yun out of anger. Pero di ko alam talaga. Oh well, as what I told him, wait and see na lang.
"Anak, lika na. Magboboard na," tawag ni daddy.
"Okay po."At eto na. Papunta na kami sa States. Di ko alam anong mangyayari. Mag-fi-fit in ako sa papasukin kong school? Matatanggap ba nila ko? Magiging top student din ako tulad dito? Makaka-adjust ako sa new environment? Eh friends, magkakaroon ba din ako ng mga kaibigan tulad ni Mitch at Jenny? At.. Makakalimutan ko ba feelings ko kay Paul?
We just have to wait and see..
Bye for now, Philippines. It's time to Welcome a new life for me, Coleen.
BINABASA MO ANG
My Kuya's Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionWhat would you do if you fell in love with your big brother's bestfriend? Coleen has been in love with her kuya's bestfriend for more than half her life. Despite the 6-year age difference, she doesn't seem to care. Age doesn't matter di ba? But for...