Pipikit nalang ako tuwing kayo'y magkasama,
Pipikit nalang ako at di na magsasalita pa,
Dahil natupad na ang hiling kong maging tunay kang masaya,
Ngunit di ko inaasahang ito'y sa piling niya.Pipikit nalang ako..
Upang di masaktan sa mundo nating untiunting naglalaho.
Pagikot ng mundong ating sinimulan,
Hindi inaasahang mahihinto sa ganoong kadahilanan.Pipikit at mananatili,
Pipikit upang di makita ang sakit.
Mananatili kahit hindi mo pinili.
Mananatiling nakapikit..Dahil nawawalang pagbabaga,
Saan nagsimula't naglalahong parang bula,
Malalim na pagmamahal,
Mababaw na dahilan,
NawawalaNagsawa,
Nagkulang, sumobra
Pinaglalim na pagmamahal,
Pinaglalayo ng tadhanaAno ang dapat madama?
Bakit tila nagsasawa na?
Mga noo'y espesyal tila ngayo'y normal nalang?Para saan? Patungo nga ba saan?
Pagmamahalang iniingatan? Saan na napadpad ng panahon?Pagkakataong pinaka kawalan, pinanghihinaan at binibitawan
Anong gagawin sa naiipong mga katanungan?Saan nagkulang? Kung hindi nagkulang saan sumobra?
Mahal ko, mahal mo pa ba ako? O nasanay ka nalang sabihing mahal mo ako?Masakit makita na ang dating kislap ng mata'y nawawala na,
Anong nangyari at hindi mawari,
Mga salitang nananatiling salita,
Pagmamahal na tila nawawalaKaya ito ay isang umaga para sa panibagong simula
Sisimulan sa pagtutugma ng mga salita,
Dahil ang salitang TAYO ay hindi na akmaPilitin mang iwasan,
Mga tanong sa iyong paglisan
Ngunit may kung ano at nais paring alamin
Saan, Paano at kailan?Saan nagsimula?
Paano nangyari?
At kailan nga ba nagbago ang iyong damdamin?Katotohanan sa iyong paglisan
Puso'y iniwan sa kawalanHanggang malimutang tuluyan ang sariling kahalagahan
Bakit hindi man lamang ipinaglaban?Madaling nakalimutan,
Dalawang taong pinagsamahan
Madaling napalitan ng hindi man lamang namamalayan
Saan nga ba nagkulang?Sa lahat ng naibigay,
Isinukli'y mga luhang kung tumulo'y walang humpay
Hanggang sa maligaw sa agos ng buhayHindi alam kung saan magsisimula
Mula noong lumisan kang parang bulaHindi man lamang binigyang sagot
Iniwang sakit na ka'y hirap malimot
Pusong nanghihina dahil sa takotSinusubukang buuin ang sarili
Mula nang puso'y ika'y pinili
ngunit hindi man lamang nanatiliKaya ngayon, hindi na hahayaang maulit
Mga sakit na sa puso'y gumuhitMagpapatuloy sa kahit anong ibato ng mundo
Para sa mga taong sa aki'y nagmamahal ng totoo
Dahil hindi sa paglisan mo matatapos ang buhay ko.(Ana Dela Cruz 9/5/2018)
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryExpressing my feelings through poems. Please do not copy. Enjoy reading, Feel the pain. 💌