Chapter 2
" So here we are so close, yet so far"
Ngayong araw na ito wala masyadong mga guro. Kaya nakasanayan na na mag-grupo grupo ang mga magkakabarkada at paglalapitin ang mga upuan sa isat-isa. Iniwan si Stephanie ng kanyang mga kaibigan at sila ay nagpunta sa mga grupong malapit sa inuupuan ko. Kasi naman kahit ang ingay-ingay na sa klasrum, may nagkakantahan, nagtsitsismisan, naghahabulan, at nagsisigawan, itong babaeng to, tulog parin.
Liezel: Oh ano Spin the Bottle tayo!!
: Sige bah.
Nagkakasiyahan na sila sa paglalaro, habang ako nasa isang sulok minamasdan ang maamong mukha ni Stephanie habang natutulog. Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya nang nilapitan ako ng kaibigan nyang si Liezel.
Liezel: O anong problema Angelo?
: Wala naman, siguro gusto ko lang mapag-isa.
Liezel: Mapag-isa? O gusto mo lang talagang hindi maistorbo sa pagtitig dyan sa kaibigan ko?
: Ahh... ( hindi ako nakasagot parang may nakabara sa aking bibig)
Liezel: Oh, bakit di ka makasagot? Alam ko, halata naman eh, gusto mo si Steph. Ba't di mo sabihin ang nararamdaman mo?
: Halata ba? Di ko naman masabi kasi alam kong wala akong pag-asa.
Liezel: Bakit naman walang pag-asa? Dahil ba sa dinami-rami ng gwapong nanligaw sa kanya, wala pa siyang sinasagot?
: Oo, at saka hindi kami bagay noh.
Liezel: Bakit naman? Matalino ka naman at hindi natin maipagkakaila na ang gwapo-gwapo mo. Halos yata lahat ng nasa campus may gusto sayo. Di ko nga maintindihan kung bakit ka hiniwalayan ng Ex mo.
Nagkaroon ako ng long tima relationship, mula Grade 6 hanggang 2nd year. Siya si Nicole, siya ang Band Majorette ng school. Maganda, maputi at mabait naman siya kung pakikisamahan mo.
Nicole: So ano, punta tayo sa Mall?
: Ahh, may group project kasi kaming gagawin ngayon eh, pupunta kami sa bahay ng kaklase ko.
Nicole: Ok so pano bukas nalang?
: Bukas nalang. Pasensya na talaga Babe. Major subject kasi to at baka dahil dito di ako masali sa Top.
Nicole: Ok lang I understand. Sige Bye. (Sabay halik sa pisngi ko)
Hindi naman talaga ako mahilig pumunta sa mga group projects kasi kaya ko namang gawin yun ng mag-isa. Ngunit sa unang pagkakataon naging magka-grupo kami ni Steph, hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataong ito. Na magkakasama kami kahit sa project man lang. Lahat kami ay dun matutulog sa bahay nila Liezel, sabado naman bukas ay isa pa wala ang parents nya. Nagdala ako ng extrang damit. 6:00pm ang assembl sa may Jolibee. Pumunta ako ng maaga dahil alam kong maaga ring pupunta si Steph. Nakarating na ang lahat at nandyan narin ang van na susundo sa amin ngunit wala parin si Steph.
Liezel: So ano Angelo? Magpapa-iwan ka ba?
: Ahh. (Pumasok nalang ako sa van, ngunit ang utak ko ay nasa kung saan man)
Nakarating na kami sa bahay nina Liezel. Maganda, magara at malaki ang kanilang bahay. Pagpasok namin ay namangha ako sa mga magagandang Chandelier na nakadikit sa kanilang ceiling. Dun kami matutulog sa kwarto ni Liezel sapagkat kasya naman kaming 9 doon.
Tok, tok, tok! ( kumatok muna si Liezel sa kwarto nya bago kami pumasok)
Nakita ko si Steph na tulog na namn sa magarang kama ni Liezel at home na at home pa siya ah! Pero kahit ganun, masaya ako. Naramdaman ko ang aking sarili na sumigla pagka-kita ko sa kanya.
: Yes! (napasigaw ako sa tuwa)
Lumingon silang lahat sa akin. At tiningnan ako na para bang gulat na gulat sila.
Find Out What happens next.....
Pls be my fan Vote and Comment (Much appreciated) Thanks:D