CHAPTER 36

5.2K 58 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumingin sa bintana.

The sun is shining through the window.

Napangiti ako at bumangon sa kama. Pumunta ako sa bathroom para maghilamos at magsipilyo. Kinuha ko ang maliit na towel at pinunasan ang basa kong mukha. Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang aking buhok sa harap ng salamin. Pagkatapos ay bumaba na ako para magluto ng breakfast. Nagluto ako ng scrambled eggs, chicken soup, at gumawa rin ako ng apple and lettuce salad with melon dressing.

Sabado pala ngayon at pupunta sila Angela at Kief dahil mamasyal kami ngayon. Excited na ako!

Nang maluto na ang chicken soup ay inihanda ko na ang mga pagkain sa mesa at nagtimpla rin ako ng gatas. Umupo ako at tahimik na kumakain.  Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng mga pinggan bago bumalik sa kwarto para maligo at makapagbihis.

➖✳️➖

Nandito ako sa sala, nagbabasa ng libro habang kumakain ng mangga. Napatigil ako nang marinig ko ang busina ng kotse.

“Yakk, nandito na kami!” Rinig kong sigaw ni Angela sa labas.

Tumayo ako at dali-daling binuksan ang pinto.

“Yakkkkk!” Tumili ako at niyakap siya ng mahigpit. “I miss you.”

“I miss you too. How are you doing here? Okay ka lang ba?” tanong niya habang nakahawak sa aking pisngi.

“Okay lang ako, no!” Ngumiti ako sa kaniya.

“Ahem. Hi, Nat.”

Napatingin ako kay Kief na may bitbit na eco-bag. Niyakap ko siya at kinurot ang kanyang pisngi.

"Aww!"

Tumawa ako sa reaksyon niya.

Pumasok na kami sa loob, at si Kief naman ay pumunta sa kusina para ilagay ang mga pinamili nila sa ref.

“Binilhan ka namin ng mangga, may ice cream din, at ang hiniling mong donuts.”

“Yay! Gusto ko talagang kumain ng donuts, yakk, kahapon pa. Mabuti na lang hindi mo nakalimutan.”

“Hindi ko talaga makalimutan dahil pauli-ulit mong pinapaalala sa’kin, at baka iiyak ka. Iba pa naman kayong mga buntis, iyakin.” She chuckled.

“Hindi kaya!” I disagreed.

“Nat, ano naman ang mga ginagawa mo rito?” tanong ni Kief at tumabi sa’kin.

“Nagbabasa ng libro, kumakain, naghehersisyo, at nanonood ng palabas. Minsan lumalabas din ako para maglakad-lakad,” sagot ko sabay kinagat ang isang hiwa ng mangga.

“Grabe, yakk, ang asim ‘yan.” Umasim ang mukha ni Angela habang nakatingin sa’kin, at tumawa naman si Kief.

“So kumusta ang klase niyo?” pag-iiba ko.

“Okay lang naman, at ang daming nagtatanong kung nasaan ka raw. Sinabi ko na lang na nagbakasyon ka, ganon. May chismis din na divorce na raw kayo ni Lourd at may posibilidad daw na magkabalikan sila ni Meg. Seriously?! Magkabalikan? Hahaha, eh, nakita ko nga si Meg umiiyak habang yakap-yakap niya si Lourd parang nagmamakaawa!”

“Wala akong pakialam sa kanila, yakk, at ‘wag na natin silang pag-usapan.”

“Opss… Sorry, yakk.” Nag-peace sign siya.

“Alam na ba ng parents mo, Nat, tungkol sa inyo ni Lourd?” tanong ni Kief, at tumango ako.

“Sinabi ko na kay mama ang totoo.”

Bully's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon