TYRON'S POINT OF VIEW
Dalaw-dalaw. Gabing-gabi dadalaw. Saka ano ba akala niya sa Bff ko may sakit? Mabuti na lang nakarating kaagad ako ng bahay, at kung nagkataon baka kung ano gawin niya kay Yane. Lalaki siya, at babae si Bff, natural lang na bantayan ko ang ikinikilos niya. Kabilin-bilin pa naman ni tita na tingnan ko ang anak niya habang nagtra-trabaho siya sa gym.
At syempre, bago pa ko ma-badtrip sa gabing ito naalala ko na naman ang nangyari kanina kasama si Cecil. Pakiramdam ko siya lang ang babae na never akong hinusgahan. Wala akong nakita na dahilan para ikahiya ako sa mga kaibigan niya na kapwa babae.
"Tama sila mataba ka nga pero hindi naman iyon sukatan para sabihin nilang wala ka nang karapatang magmahal. Kung pwede nga lang eh."
"Anong puwede lang?"
"Kung puwede lang na ligawan mo ko papayag ako."
"Hehe."
"Alam ko naman na gusto mo ko Tyron ramdam ko 'yon."
"Bakit ako? Marami naman guwapo riyan. Mga magagandang katawan kumpara naman sa akin na dambuhala."
"Tsk, sinabi ko na nga sa iyo na hindi iyan ang sukatan, o batayan para hindi ka puwede magmahal. Tyron, ako na lumalapit sa iyo lalayuan mo pa rin ba ako?"
NOONG gabing 'yon labis ang kaligayahan ko kaya lang iyon na nga at nasira lang ng makita ko si Whence kasama ang bff kong uto-uto. Nagpapabola na naman iyan I'm sure!
"Last day. Hay, ang boring." Favorite place namin sa canteen.
"Anong boring ba?" Paniniguro ko.
"Last day of school at dalawang buwan din akong di makakakain dito sa canteen."
"Eh di kainin mo na ang gusto mong kainin habang may oras ka pa."
"Mag susummer job ka ba?"
"Hindi."
"Bakit?" Naka-nguso niyang balik.
"May pinagkakakitaan ako hindi ba?" Pagpapa-alala ko.
"Oo nga pala, ako kasi sa gym lang tutunganga."
"Try mo kaya mag-gym nakakahiya kasi 'yong gym niyo pangalan mo tapos taga-bantay lang saka dambuhala pa. Mabuti na iinspire ang mga customers niyo kapag nakikita ka."
"Wow, salamat bff ha? Ang galing-galing mo talaga samantalang ikaw na ngangailangan ng ganoon."
"Hindi na kailangan dahil taas noo akong haharap sa mga tao na ganito dahil ipinagmamalaki ako ng soon to be girlfriend ko." Hindi ko na iwasan tumawa ng malakas.
"Si Cecil?!"
"Yes!"
"Walang mag-seseryoso sa atin tandaan mo yan bff."
"Bakit ba ang nega mo? Si Cecil na nga mismo nagsabi."
"Madaling sabihin pero mahirap paniwalaan."
"Bff puwede ba maging masaya ka na lang sa akin. Pareho lang naman tayo ng gusto di ba ang makatagpo ng lalaki at babae na ipagmamalaki tayo hindi dahil sa katawan natin kundi ipaglalandakan nilang hindi sila tumitingin sa panlabas na kaanyuan."