Chapter 15

33 1 0
                                    

Chapter 15

Reason

Napatingin sa akin ang mga kaklse ko nang biglang magring ang cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-silent.

"Ms. Tanaka, it seemed you have forgotten the most important rule in this class." saad ng professor ko.

Kasalukuyan syang nagdidiscuss ng tungkol sa print production management. At pinaka-ayaw nyang naaabala sya sa pagtuturo ng dahil sa cellphone.

"Mam, can I excuse myself? I think this is urgent." hingi ko ng permiso.

Bumuntong-hininga sya saka tumango. Agad akong lumabas at sinagot ang tawag mula kay Ms. Flores.

"Ashley, glad you answered. I just want to tell you that you don't need to participate in the contest anymore." bungad nya.

"Ano po? Paki-ulit po Ms. Flores." Tila nabingi ako sa narinig ko.

"Hindi mo na kailangang magpractice dun sa contest. You are allowed to back out Ashley." Mahinahong paliwanag nya. "I know that you are not that comfortable with the contest that's why we are letting you go. Don't worry you will still get that extra credit."

Ibinaba na nya ang telepono matapos sabihin iyon. Hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako o malulungkot kasi di na ako kasali sa contest. Pero sabi naman ni Mam pwede ko pa ring makuha yung inaasam kong grades.

Unti-unti akong napangiti kasi nabawasan ang gagawin ko. Saka di naman nacompromise ang grades ko kaya ayos na din. Gusto ko kasing magfocus na sa pag-aaral at sa OJT ko.

Tuesday ngayon kaya naririto ako sa school. MWF ang schedule ng OJT ko sa Makati.

Sa sobrang kasiyahan, hindi ko na natanong sina Ms. Flores kung bakit bigla silang nagdecide na payagan akong di na sumali tapos di rin nila pinagdamot ang grades.

Matapos ang klase ko, pinuntahan ko agad si Hannah sa klase nya. Doon ko na mismo sya hihintayin.

Mass Media and Society ang subject nya ngayon. Kalahating oras pa bago matapos ang klase nya. Tinext ko na muna si Jacob.

[saya! di na ko kasali sa contest pero may credits pa din ako] - ako

[ha? bakit? mas gusto namin kasali ka. san ka? punta kami dyan.] - Jake

[sinong kasama mo? dito JFH building. wait ko Hannah] - ako

Hindi na nagreply si Jacob. Di ko alam kung sino ang kasama nya, malamang chicks nya.

Naupo muna ako sa bench sa tapat ng room nina Hannah. Naisipan kong maglaro muna ng games sa cellphone ko.

"Arrgghhh!" inis kong sabi nang napindot ko ang white tile. Syempre, Canon ang background music.

"Hala, nabaliw na." nasa tapat ko na pala si Jacob.

Si unggoy pala yung sinasabi nyang kasama nya. Mukhang kakatapos lang nilang maglaro ng basketball kasi medyo basa pa ang buhok nila ng pawis.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina? Bakit naman di ka na nila pinasali?" may panghihinayang na tanong ni Jacob. "Sayang yung mga practice mo."

"Di ko rin alam kay Mam. Di ko pa nasasabi kay Hannah. Ewan ko kung ano'ng magiging reaksyon nya." sagot ko.

I think I saw Tristan smirked. Pero agad din naman nawala kaya baka namalik-mata lang ako.

Hinintay namin si Hannah at ganon din ang reaksyon nya. Nalungkot at nanghinayang.

"Ano ba kayo? Mas gusto ko nga ang nangyari kasi mas makakapagfocus ako sa ibang bagay." pagkumbinsi ko sa kanila.

"Kahit na sayang pa din." giit ni Hannah.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon