CHAPTER 19:

1K 42 1
                                    

CHAPTER 19:



Nakakabagot pala kapag malapit na ang holidays noh? I mean ung ibang students ng school nag-eenjoy habang kami dito ay hindi belong. Belong naman kami, sadyang ayaw lang daw ni Shan na makihalubilo pa kami, last time ata na nakisama kami ay noong Math Day ng University, which is punishment lang namin iyon ni Shan dahil sa kapasawayan namin.


Halos napuno ng mga booths, contest, arts exbihit ang buong university ngayong araw, University days kasi namin, habang sila ay nag-eenjoy, kami namang section F ay naglilinis ng kalat, oo naglilinis kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Sir. Del Pillar at ginawa kaming janitor at janitress. Myghad!



Umupo nalang ako sa may malapit na bench dahil mukhang susumpong ang asthma ko, ikaw ba naman ang maglinis sa katirikan ng araw sa gitna ng school grounds diba?! Ung iba nagpapahinga muna din, habang ung iba ay sitting pretty ang mga loko sa pangunguna ni Xander na nakaupo habang nagbabasa ng libro. Nagbabasa ng nakabaligtad ang libro! Jusko! Si Johan naman ay nakakuha ng mga alalay, aba ang loko may taga-payong pa siya habang nagpupulbo, uto-uto talaga tong si Dash kay Johan. Tsk tsk


"Magtrabaho ka nga dun para matapos na." Singit ng kung sino sa gitna ng pag-inom ko ng tubig. Tumingala naman ako para makita kung sino.


"Hindi ba pwedeng magpahinga muna?" It was Shan.



"Ang dami pang lilinisin oh."


"Eh bat ba kasi tayo naglilinis ha! Di naman tayo janitor dito diba?"



"It was for our own sake, kaysa naman mapag-initan tayo diba?" Sa tono niya ay mukhang galit na siya.



"Oh bakit naman? Bat dimo kausapin ung tito mo? Bigyan tayo ng magandang service ganun, hindi yung pinag-iinitan at kinamumuihan nila tayo. Myghad Shan! President ka, kahit yun lang sana ay matulungan mo kami." Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglinis. Nakaka highblood ang loko.



"Ur highblood Ibore? Snacks u want?" Inirapan ko nalang si Brent at nagtungo na kina Dash para maglinis.



Magaalas-dose na pero eto parin kami at naglilinis, nadagdagan pa ang lilinisin namin dahil sa grupo nina Safiya. Mga peste nga naman oh.



"Hindi paba kayo tapos? Malapit ng mag-umpisa ang main event!" Sigaw ni Sir. Del Pillar, dahilan para mapatingin ako sa kanya.



"Eh kung tulungan mo kaya kami Sir? Baka lang naman?"



"Tse!" Baklang to!


"Make it faster guys!" Sigaw ni Shan, wala naman kaming choice kundi ang sumunod sa kaniya, kaunti nalang naman din to.



***



After 100 years ay natapos na kami sa paglilinis, lahat ng mga estudyante sa campus ay nagtungo na dito sa school grounds habang kami naman ay nakaupo lang dito sa malapit na bleachers at nagpapahinga.




Dumarami na ang mga estudyante sa school grounds, dumidilim na rin at kita kung gaano kaganda ang kabuuan ng school ground.



Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng kabagutan sa puwesto ko kaya naisipan kong umalis nalang doon, bawal umuwi dahil magchecheck daw ng attendance si Sir. Del Pillar, iilan nalang din ang nandito na mga kaklase ko, panigurado ay nasa room ang mga iyon at natutulog. Malayo-layo ang building namin dito sa school ground kaya naisipan kong sa building ng mga star section ako dumaan, wala namang tao kaya less issue, wala rin ang mga grupo ng peste dahil nakita ko silang nagsasayaw doon. Mga haliparot nga naman noh.



Isang room nalang ay makakarating na ako sa building namin nang may marinig akong ingay sa dulong room, ingay na may kasamang bulungan, nakasarado ang pinto at sobrang dilim na mula rito, tanging ilam sa hindi kalayuan nalang ang nagsisilbing liwanag ko. Lumalakas ng kaunti ang ingay at kaluskos, kaya minabuti kong hindi gumawa ng kahit na anumang ingay, nakaawang din ng kaunti ang pintuan, lumapit ako mula sa pwesto ko at sumilip sa pinto, madilim kaya hindi ko makita ng maayos kung ano ang nandon. Baka mamaya multo pala toh jusko! Aalis nalang ako!




Tatakbo na sana ako ng may mapatid ako, dahilan para magkaroon ng ingay, dali-dali kong tinakpan ang bibig ko at naghanap ng mapagtataguan. May mga naririnig na rin akong mga yapak, patay ako neto!



Nagulat na lamang ako ng may biglang humatak sa kamay ko at nagtago sa likod ng malaking basurahan na malapit lang sa pintuan.




"Shhhhh." Hindi ko alam kung sino to pero halatang lalaki siya.



"Baka pusa lang siguro yan Xander." Malanding sabi ng babae. Teka si Xander? Xander na kaklasi namin? Wala namam din akong ibang kakilala na Xander bukod sa kaniya.


"Siguro nga." Boses palang ay alam ko na. Ang aswang na palaka!

Kaya pala wala ang loko doon kanina, may ginagawang milagro! Jusmiyo!


"Tara? Ituloy na natin yung kanina." Myghad! My inosent mind! Baka may ginagawa lang siguro na project no? Project sa loob ng madilim na room?! Pwede naman.

I Belong To Section 4FTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon