tatlumpo

1.9K 113 9
                                    

"sometimes i wish i could turn back time, impossible is it may seem, but i wish i could so bad baby, quit playing games with my heart"

~ backstreet boys(quit playing games)

3rd POV

sa hapag kainan lahat ay naghihintay nang magiging sagot ni Isabelle

"Maari bang pag isipan ko muna bago ako magdesisyon?"

dahan dahang saad ni Isabelle

napabuntong hininga naman ang lahat, dati dati kasi kapag tinatanong nila ang tungkol sa kanyang pagpapakasal ay lagi niya itong nirereject

at ngayon ay sinabi niyang iisipan niya, ibig sabihin lang iyon na may pag asa pa si Carlos

nakangiti si Carlos at para siyang nabunutan ng tinik dahil alam niyang may pag asa pa siya,

at kung pagbibigyan man siya ni Isabelle ay hinding hindi niya ito sasaktan at mamahalin niya ito pati nadin ang mga bata

#######

lumipas ang isang buwan, sa gabi ay maraming dadalo na  matataas na opisyal at mga mayayamang tao sa isang fiesta patungkol sa magiging kasal ni Gabriel at nang kanyang nobya na si Helena

sa fiesta ay tahimik lamang si Isabelle samantalang ang kanyang mga magulang at mga magulang ni Carlos ay nakikipag usap sakanilang mga ka sosyo

habang hawak hawak naman ni Donya Alejandro ang kanilang apo para bigyan ng oras sila Carlos at Isabelle

masaya naman si Carlos habang hawak ang kamay ni Isabelle at tahimik lamang ang dalaga, tila wala itong paki alam sa mundo

hanggang sa nagpaalam saglit si Carlos na kumuha ng maiinom at umoo naman ang dalaga

nang mawala si Carlos,  hindi niya namamalayan na may nakabangga itong mahinhin na babae

hindi natumba si Isabelle habang ang babaeng nakasuot ng magarang gown na kulay puti ay natumba

ang babae ay matangkad, maputi, at matangos ang kanyang ilong, maganda ang kanyang mapupungay na mga mata at mapupulang labi,

maging si Isabelle ay nabighani dito

ngunit isa lang ang masasabi niya

isa siyang espanyol

"Ahhhh" sigaw ng dalaga nang siya ay natumba

tumingin ang lahat ng tao sakanila at nagbulung bulungan

iniabot ni Isabelle ang kanyang kamay sa dalaga

ngunit

bago paman matulungan ni Isabelle ang dalaga ay biglang

may nagsampal sa kanyang mga kamay at itinulak siya, sa lakas ng pagkakatulak ay siya naman ang natumba sa sahig

naiinis na tumingin si Isabelle sa etrangherong nagtulak sakanya ng makita niya ang pamilyar na likod ng isang binata

"Okay kalang ba Binibining Helena? saan kaba nasaktan? sa susunod ay hindi kana maaaring lumabas ng hindi mo ako kasama! intiende?"

galit ngunit kita mo sa kanyang boses ang pag alala

biglang nasaktan si Isabelle

dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon na tumutulong sa babaeng kanyang nakabangga ay si Gabriel

at ang kanyang nakabangga ay ang kanyang papakasalan sa susunod na araw

si Helena

nang makatayo ang dalawa ay tumingin si Gabriel sakanyang tinulak na walang iba kundi si Isabelle

Ang aking Binibining TomboyWhere stories live. Discover now