[09] Walang FOREVER

196 7 0
                                    

Coline POV

Mahigit din 8 na oras bago matapos lahat ng subject,at ngayon ay uwian na.

didiretso na ako ng bahay para makapagpahinga narin.

kung nagtataka kayo kung bakit wala si cherryl ganito kasi yunnaghiwalay na kami ng daan ni cherryl kasi magpapahinga na lang daw siya.

labasan na nga pero hindi ko feel kasi hindi ko na uli siya makikita.anubayan

may bukas pa naman eh.

Ruppert POV

nag-uwian na pero ako nandito nasa bench ng school hinihintay ko si mama sabi niya kasi susunduin niya daw ako.

kanina nakita ko si ateng CUTE na naglalakad ay Coline pala.

sanayin ko na nga ang sarili ko na tawagin sya sa pangalan niya hindi yun sa pangalan na inimbento ko lang.

bakit mag-isa lang siyang naglalakad kanina?nasaan na kaya ang kasama niya?

baka napaano yun?

"Ruppert.sigaw ng isang pamilyar na boses

tumingin ako sa direksyon kung saan dun nakadistino ang tumawag sa akin.

ay!! si mama pala,

tumayo na ako sa kinauupuan ko at binitbit ang bag ko.

pumasok na ako ng kotse at sinimulan na ni mama na paandarin ang car engine.

"kumusta ang first day?tanong ni mama

"okay naman.sagot ko

"eh ilan na ang mga friends mo?tanong uli ni mama.

"si Richard pa lang kilala ko dun medyo tahimik kasi lahat eh..sagot ko.

nakikita ko sa mukha ni mama na masaya siya para sa akin.

Coline POV

Pagkalipas ng ilang minuto ng pagbabiyahe,nakarating din ako sa bahay at sinalubong ako ng kapatid ko at ni mama na nasa tindahan lang naman.

"kumusta naman?.tanong ni mama

"ok lang!!parang katulad parin ng dati.sagot ko kay mama

Dumiretso na ako sa loob at pumunta ng kusina para kumain.

hindi kasi ako nakakain ng maayos eh.

kumuha ako ng plato at kutsara tapos nagsandok ako ng kanin sa kaldero at kumuha ng ulam.

grabe!!ganito pala ako kagutom sa sobrang gutom ko limang minuto pa lang ubos agad ang kanin ko.

kumuha uli ako ng kanin pati ulam.

nang biglang may naisip ako.

si Ruppert Kim,grabe parang huminto ako sa pagkain ko dahil lang sa naisip ko.

bakit kaya ang lakas ng tama ko kay Kuyang GUY.

sa laki ba naman ng mundo,sa dinami dami ng Public School sa NCR yung pinapasukan ko pa ang napili niyang pasukan.siguro itinadhana kami ni kupido.

haisst!!walang FOREVER

natauhan ako dahil lang diyan.

Di bale na nga may bukas pa naman eh.

Ruppert POV

minuto din ang nakalipas bago kami  makarating ng bahay.pinark na ni mama ang kotse at ako naman diretso na ng kwarto para magpahinga.

para nga ba magpahinga?tanong yan ng isip ko

Di bale na,pumasok na ako ng kwarto sabay higa ng kama.

pero naaalala ko siya.naaalala ko yung mga segundo na nagkakatitigan kami.

Grabe!!tama na nga nababakla na naman akokanina namumula ang pisngi ko ngayon naman INIISIP ko siya.

marami pang araw na magkikita kami.

Naku!! Coline Sevilla,Bakit ba ang lakas ng tama ko sayo.

Crush na kita at hindi ko yun matatanggi.

sa sobrang pag-iisip ko sa kanya nakatulog na ako.

zzzzzzzZZZZzzzzzz

Coline POV

Bakit ba siya ang laman ng isip ko ngayon.ano bang meron sayo Ruppert Kim.

half korean kalang naman,mayaman,peymous.

Pero langit at Lupa ang level natin

--_--

ano ba utak ko!! ibahin mo naman ang topic ngayon huwag siya langit at lupa ang level namin.

hindi kami bagay dahil mayaman siya at mahirap lang ako.

baka nga ipinagkasundo na yun sa iba pang mayaman diyan eh..yun naman lagi napapanood ko sa tV maging sa Ebook.

pero marami naman sa mga Love  Story ang magcouple hindi magkalevel eh.

bakit ko pa kailangan magworry.

at saka Crush ko lang siya hindi Mahal. mahirap na kung miahalin ko siya baka iwanan lang din niya ako.

makatulog na nga lang..

zzzzzZZZZZzzzzzzz..

________________________

Please:vote VOTE vote VOTE

Comment

Vote

and Follow me

THANK YOU!!  WAIT FOR THE NEXT CHAPTER..

Walang FOREVER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon