Chapter 41

180 12 2
                                    

HINDI SIYA KATULAD MO



GREAT LOVE'S POV


"HE left me. Hindi kasi kami parehas sa lahat ng bagay. I thought na magwo-work yung relationship namin pero hindi. Hindi na naman. I'm just so tired." Kwento ni Maria sa akin nang tanungin ko siya kung bakit siya magisa ngayon. Ang ala-ala ko kasi ay may kasama siyang lalaki nung una ko siyang nakita.

Mag-isa na lang daw siyang bumalik dito sa hotel kanina pagkatapos nilang magaway ng kasintahan niya at maging siya din daw ay nagulat nang makita niya kami ulit ni Uno.

Nalungkot ako sa kwento niya kaya hinaplos-haplos ko ang likod niya para iparamdam sa kanya ang simpatya ko.

Katabi ko ngayon sa kanan si Maria habang si Uno naman ay nasa kaliwa. Umiinom lang si Uno sa tabi ko at parang walang pakealam sa pinaguusapan namin ni Maria.

"Thank you." Maiyak-iyak pang sambit ni Maria. "Hindi ko talaga gusto sa ganitong lugar pero gusto ko kasing makalimot sa nangyare sa amin kanina and who would have thought na magkikita tayo ulit dito? " Dagdag niya.

Kumuha ulit siya ng alak at ininom ito. Nang mapansin naman niyang hindi ako umiinom ay bigla niyang kinuha ang walang laman na baso sa harap ko. "Hey, why are you not drinking? Drink." Nilagyan niya ng alak ang basong kinuha niya at binibigay ito sa akin.

"She's not drinking." Uno.

Napalingon kami nang magsalita bigla si Uno sa tabi ko.

"Ow sorry. I don't know that you are not drinking." Biglang binawi ni Maria ang basong binibigay niya sa akin kanina.

"Okay lang." Sambit ko.

Ngumiti siya sa akin. "He's so protective ha." Komento niyang pabulong sabay silip kay Uno.

Tumango ako. "Medyo." Pagkatapos ay hindi ko alam pero natawa kami.

Siguro ay kinikilig din ako kaya ganoon.

"He used to be like that pero I don't know bigla na lang nawala." Humina ang tawa niya at uminom ulit ng alak.

Hindi talaga siya okay.

"Hindi ako magaling sa pagcomfort pero marunong akong makinig. Pwede kang magsabi sa akin." Sambit ko sa kanya.

Ngumiti siya ulit. "Thank you." Matamis niyang pasasalamat.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Maria pero nabasag ito nang marinig namin ang hiyawan sa kabilang parte ng gilid ng pool.

Sina Rock at Dylan ay kasama sa mga nagkakasayahan sa kabila at mukha na ring mga lasing na.

Napatingin ako kay Uno at maging siya ay napailing sa nakita. "A-holes." Sambit niya.

"Friend niyo?" Tanong ni Maria kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Ah - Oo. Sina Rock at Dylan. Yung dalawang lalaking kasama nung maiingay sa kabila." Kwento ko.

"Ow.. ang swerte mo ha. Napapalibutan ka ng mga tall and handsome guys." Pagkatapos ay nagbigay siya ng mahinang tawa.

"Ay hindi naman masyado." Nahihiya ko pang sagot.

Naramdaman ko naman ang pagngisi ni Uno sa tabi ko kaya pasimple kong kinurot ang tagiliran niya.

Gusto-gusto niya yang mga handsome na salitang iyan.

Nakita kong uminom ulit si Maria ng alak na nasa harap niya. "If you can't drink alcohol, mag juice ka na lang para naman may kasama akong umiinom." Sambit niya sabay taas ng kamay niya. "Kuya, penge kaming juice." Sambit niya doon sa lalaking kanina pa naghahalo ng mga alak.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon