VOLUME 2: CHAPTER 56 - The Return of Sed

983 73 5
                                    

ZERO'S POV

"Mas magandang mag-level up muna tayo bago pumasok diyan. Mas maganda kung marami tayong papasok at magtutulungan upang mapatay ang [Forbidden Boss]. Pagkatapos noon, tsaka tayo aalis sa mundo na ito." Paliwanag ni Dark. Minsan lamang ako sumang-ayon kay Dark at itong mga oras na iyon ito. Ang ayaw ko lang, tingin ng tingin si Dark kay Sed. Uupakan ko na 'to, bakit ba siya tingin ng tingin sa babaeng ito?

Napatingin naman ito kay Des na parang hinihintay na pumayag siya. "Kaya ko naman mag-isa, kung tutuusin Level 5,000 na ako." Pagmamatigas ni Des, hindi sang-ayon.

"Bakit ba ang kulit mo? Maghintay ka na mag-level up kami ng 3,500 at tsaka tayo lalaban. Paano kapag namatay ka doon?" Inis na sabi ko sa babaeng katabi ko.

***
3RD PERSON'S POV

AFTER 1 MONTH

Ang maliwanag na araw ay natakpan ng buwan, tila binalot ng kadiliman ang buong Eclipse Survival World. Ito ang palatandaan na kailangan na nilang labanan ang Forbidden Boss.

Sa dumaang isang buwan, pinaspasan nila ang pagpapa-level up. Marami ang nahimatay dahil sa kaubusan ng stamina, mana, at health, pero sa pagtutulungan ng lahat, naabot nila ang kailangan na level para makapasok sa [Forbidden Dungeon] kung saan naroon ang susi upang makalabas sa mundong ito.

Matitipunong katawan, kumikislap na armas, at pagiging seryoso ang makikita sa lahat. Sa oras na ito, isa-isa silang pumasok sa [Forbidden Dungeon]. At ang bumungad sa madilim na malaking kwarto ay isang malaking nakakatakot na anino. Ang [Forbidden Boss]. Nahati ang mga players sa tatlong grupo: grupo ng mga melee, long range, at healers. Unang pumasok ang mga melee, pero dahil marami sila, maririnig ang yapak ng kanilang mga paa na gumising sa natutulog na pangitain.

***
SED'S POV

Bilang isa sa pinakamataas ang Level sa mga manlalaro, alam kong nasa akin ang pinakamalaking responsibilidad sa labang ito. Saglit akong napatingin sa paligid—lahat ng kasama ko ay naghahanda.

Nang magising ang kalaban, ramdam ko ang pagyugyog ng buong paligid. Alam kong kinilabutan ang lahat. Parang may mga matang tumititig sa amin—hindi basta titig, kundi puno ng panunukso at panlalait.

Sa lakas ng kanyang aura at sa laki ng katawan, para kaming mga langgam na kaya niyang apakan, paglaruan, at durugin ng walang kalaban-laban. Pakiramdam ko'y wala kaming laban, at unti-unting nanghihina ang aking loob.

Pero napansin ko ang ilang naglakas-loob. Sumugod sila kahit alam na dehado ang lahat. Hinawakan ko ang kwintas sa aking leeg—ikaw lang ang makakapagbigay ng lakas sa akin ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang espada ko at sinundan sila.

Pagdating ko sa harap, natigilan ako. Ang mga nauna ay patay na. Para silang mga laruan sa kamay ng halimaw. Isang kumpas lamang ng kanyang kamay at naging abo ang mga katawan nila.

"Anong laban namin sa ganitong klaseng halimaw?" Kinagat ko ang labi ko, pinipigilang humikbi. Kaya pa 'to. Hindi ako dapat panghinaan ng loob.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw, at isang lumiliyab na bala ang bumulusok patungo sa halimaw. Mabilis niyang kinumpas ang kamay para gawing abo ang bala, pero nagulat kami nang biglang nagkaroon ito ng shield. Sa halip na maging abo, dumiretso ang bala sa katawan ng halimaw, parang bulalakaw na sumalpok, at kahit papaano'y nabawasan ang kanyang malaking buhay.

Ngunit, mabilis ding bumalik ang kanyang buhay—sobrang kunat at may regen pa. Walang takas sa halimaw na ito. Ang kanyang mga kumpas ay kayang gawing abo ang sino mang lumapit.

"Paano natin siya lalabanan?!" Sumigaw ang isa sa mga kasama ko.

Pero hindi natitinag si Zero. Nakita ko siyang naglagay ng shield sa kanyang bala bago sumugod ulit. Ginaya ng iba ang kanyang ginawa, pati mga melee fighters ay naglagay ng shield sa kanilang katawan upang makalapit at makatulong.

"Mga hangal!" Umalingawngaw ang malalim at malakas na boses ng [Forbidden Boss]. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at itinaas ang kanyang mga kamay. Biglang lumitaw ang dalawang [Legendary Bosses] sa magkabilang gilid niya.

"Wasakin sila." Utos niya sa mga ito. Tila mga tapat na alagad, agad silang sumugod sa amin.

Nagsitakbuhan ang ilang healers sa takot, habang ang mga melee at long-range fighters ay nagsimula ng labanan ang mga bagong kalaban. Pero habang abala kami sa[Legendary Bosses], patuloy pa rin sa pag-atake ang [Forbidden Boss], sinasamantala ang bawat pagkakamaling nagagawa namin.

Unti-unti, nababawasan kami. Hanggang kalahati na lang kami at ako naman, sumugod na rin sa isang [Legendary Boss] na nasa harap ko. Nakita ko pang nilalapa nito ang mga kasamahan kong namatay. Sa sobrang galit ko, tumalon ako at itinutok ang espada ko. Pero hindi ko napansin ang kamay ng isa pang [Legendary Boss[ na palapit na sa akin.

Bigla akong tumalsik at malapit nang bumagsak nang malakas sa sahig. Napapikit na lang ako, handa sa sakit na darating. Pero wala.

Pagmulat ko ng mata, naroon si Zero, buhat-buhat ako habang sinasalag ang atake ng [Legendary Boss] gamit ang kanyang [Sniper Gun]. Sa sobrang lakas ng impact, nag-crack ang gitna ng baril niya at tuluyan itong naputol at nahati sa dalawa.

Marahan niyang inilapag ako sa sahig.

"Mag-ingat ka." Sabi ni Zero. Alam niyang nasira ang baril niya dahil sa akin.

"Okay lang." Sagot niya, parang nabasa ang iniisip ko. "Makakahanap ako ng bagong armas. Sige na, laban na ulit!" At bigla na lang siyang nawala, mabilis na gumalaw.

Lumaban ako sa isa pang [Legendary Boss] kasama ang iba, hanggang mapatay namin ito.

One down

Pero nang lingunin ko ang [Forbidden Boss], nagulat ako. Nakatingin siya sa akin—at sobrang lapit niya na! Bumilis ang tibok ng puso ko. Umatake siya ng mabilis, nagpapakawala ng nagliliyab na matulis na bagay. Tatakbo na sana ako, pero hindi gumagalaw ang katawan ko.

Fudge! Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon ako natakot at na-freeze, habang namamatay ang mga kasama ko?

Biglang nagliwanag ang kwintas na suot ko. Nang buksan ko ang aking mata, nasa katawan ko at aking suot na ang [Obsidian Armor]. Nasa kamay ko ang dalawang makapangyarihang armas—isang [Staff] at isang [Sword].

"Sed!" Narinig ko ang sigaw ng mga kasama ko.

***

Level Up to Unlock the Next Chapter!

You've reached the end of [VR:ESW - CHAPTER 56]. To discover what happens next in this thrilling adventure, you'll need to level up your skills.

1. Engage with the Story: Comment, vote, and share, or discuss the story with other readers.

Once you've completed these tasks, you'll be ready to level up and unlock the next chapter. Are you ready to take on the challenge?

VIRTUAL REALITY: ECLIPSE SURVIVAL WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon