CHAPTER 19
Sabado at may pasok si Helios kaya nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Pagkalabas ko ng kwarto, nakabihis na si Apollo ng panlabas habang sumisimsim sa kape.
"Good morning!" Nangingising bati niya sa akin.
"M-Morning," tumikhim ako dahil namamalat ang boses ko.
"Coffee?" tinaas niya ang mug niya.
"Sige, thank you." Ngumiti ako at umupo sa harapan niya.
Mabilisan niya akong pinagtimpla ng kape. Same as how he does his coffee yata.
Inabot niya iyon sa akin at naupo na ulit. Hinipan ko muna ang kape bago ako dahan-dahang sumimsim doon.
"How was last night?" He smirked.
Ngumuso ako. "Apollo!"
"What?" Humalakhak siya. "Maingay kayo ni Kuya. Hindi ako makatulog."
"Sorry," maliit ang boses na sabi ko.
"So, I have to deal with that until I go to Isla Julieta, huh?"
"Kailan ka ba pupunta doon?"
Nagkibit balikat siya. "Kung kailan din ako tatawagin ni Dad. Siguro next week? May in-assign na proyekto sa akin kaya... I have to go there."
"Ahh..." tumango-tango ako. "May girlfriend ka ba?"
Ngumisi siya at umiling. "Bakit? Crush mo ako?"
Sumimangot ako. "Mas pogi si Helios sa'yo, 'no!"
Binuka niya nang kaunti ang bibig at umaktong humahawak sa puso. "Ouch!"
Sumipsip ako sa kape habang pinapanood siyang maging OA sa harapan ko.
"Secondborn are usually the most talented and most good looking than the rest of the siblings."
"Usually, not all the time. It doesn't apply to the Reojas." Ngumisi ako, pang-iinis pa lalo sa kanya.
Like his older brother, he's quite fair and they both have those strong facial features. Mas matangkad lang nang kaunti si Helios sa kanya at mas malaki ang pangangatawan pero parehas silang gwapo.
I wonder what does their sister looks like?
"Sabi nga ni Kuya, mag-aabogado ka rin kagaya niya. Paano kaya kapag nag-away kayo? May mananalo ba?" Humalakhak siya.
"I always win. Ayaw niyang nag-aaway kami kaya mabilis siyang sumuko."
"Damn!" Kinagat niya ang ibabang labi. "Alam mo, kahit si Ate Ana, hindi nananalo sa tuwing nag-uusap sila ni Kuya noon!"
"Ana?"
"Our cousin, mother's side. She's four years older than Kuya. She just passed the bar exam a year ago. She's in the top 4 sa list ng mga nakapasa on the first try."
My mouth gaped open. "Ang galing niya naman!"
"But Kuya is better when it comes to debating. Ang dami niyang lusot na nakikita. Ang dami niyang alibi na naiisip."
"He'll be a great lawyer someday." Sabi ko.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Apollo dahil kailangang pumunta na siya sa firm nila ngayon. He's needed there at ten for a meeting.
Ako naman, nag-ayos na ng sarili. I took a bath and changed into a comfortable, yet decent clothes for lunch with Claud and his parents. A dress that's not too revealing.
11 AM when he texted me he's waiting at the lobby. I grabbed my bag on the couch and turned the TV off before heading outside the unit.
I saw Claud sitting on one of the sofas in the lobby and he smiled when he looked up at me.
BINABASA MO ANG
The Devil in Heaven (Isla Julieta Series #1)
RomanceShe's the angel who got lost while wandering in hell, and he's the devil who tempted her to sin while bringing her back to heaven. Helios Tyson Reoja is a law student and the eldest son of Senator Gonzalo Reoja. Reluctantly attending his parents' we...