Isa, dalawa, Tatlo.....
Ilang beses ba ang kailangan?Ilang beses ko bang panonooding nasasaktan ka niya?
Ilang beses ko rin bang hahayaan na mag pakalunod ako sa nararamdaman ko para sayo?
Bakit ganon? Ang daya daya mo
Wala ka bang ibang alam na nagawin kung hindi saktan at balewalain ang isang tulad ko?Napaka hirap naman tanggapin sa parte ko na hindi ako ang taong babagay at isinusulat ng tadhana para sayo
Gusto kong umiyak ipakitang hindi ko na kaya yung sakit na idinudulot ng isang tulad mo
Nasasaktan na talaga ako ng taong walang kaalam alam sa nararamdaman ko
Paano ba kita makakalimutan?
Ilang beses ba ang kailangan para sa bawat katapusan?Kailan ko nga ba matutuldukan ang bawat tulang ikaw ang laging pinipiling paksa
Bakit kahit nasasaktan mona ako ikaw at ikaw parin ang ginugusto ko?
Kailan nga ba ako matututo? Kailan ba mapapagod itong puso ko na mahalin ang isang tulad mo
Isang tulad mong walang ibang ibinalik kung hindi puro pasakit
At ipamukha saking Hindi ako ang Gusto mo.
Press the Star⭐
BINABASA MO ANG
Para Kay Adan.(COMPLETE✔️)
PoetryMga liriko ng kanta na ikaw ang laging naka konekta Mga salitang mag tatapos sa tuldok. Ang temang ikaw ang laging ikinukunekta Kung gaano kadaling simulan, ganon din kahirap Wakasan. ©Bb. Suzette Most impressive ranking. ...