Chapter 1- PAST

206 24 5
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations. 

READ AT YOUR OWN RISK. 

_______________________________________________________

Leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmest of seas

And all will be alright in time

Oh you never really love someone until, you learn to forgive

Isang normal na araw lang papasok sa Unibersidad ng Pilipinas habang nakikinig ng kanta ng Ben&Ben. 

Medyo maaga ako pumasok ngayon para bumili sa Upbeat Merchandise ng Dri Fit Stripes Shirt.

Sinadya ko pa ito kasi bagong labas lang ang collection. Since wala kaming uniform dito sa UP, bumibili nalang ako ng merchandise shirt para maisuot every first Monday of the month. Wala lang, naka-gawian ko na ito since 1st year. 

Nasa Elliptical Road palang ako may nararamdaman na akong kakaiba. Kapag ganito ako, it's either may mangyayaring maganda o sa kasamaang palad, may kamalasang paparating.

I tried to erase that thought. I just wanted to enjoy this day dahil natapos ko ang school works ko kagabi at ready to pass na lahat ng iyon ngayon. Madaling araw na ako nakatulog pero maaga pa rin ako nagising. 

I'm currently a 3rd year B.A. Creative Writing student. 18 units ang kailangan ko pang matapos ngayong second semester.

Nakakainis mang aminin pero 3rd year palang ako ramdam na ramdam ko na ginagapang ko nalang yung mga subjects ko lalo na yung Foreign Language.

Pahirap talaga siya sa buhay. 

Lahat naman siguro ng student ay may subject talaga na hindi nila masyadong gamay at sa situation ko, Foreign Language ang pinaka-umuubos ng brain cells ko. 

Para akong mahihimatay tuwing may recitation kami sa subject na iyon.

Masaya naman dito sa Unibersidad. Ang problema lang talaga ay mahirap makipag-deal sa mga school works. 

Parang araw araw papatayin ka sa dami ng ginagawa. Kasalanan ang walang alam. Kailangan bago pa mag-start ang klase, may alam ka na sa mga ituturo.

Advance reading ang puhunan dito. 

Kailangan ng maraming tiyaga. Nauubusan na nga ako ng stock eh. 

Sipag ang iniaalay dito, minsan naman kapag wala nang sipag dahil pagod na, tulog nalang ang i-alay sabay cheer ng U-NI-BERSIDAD NG PILIPINAS! U-NI-BERSIDAD NG PILIPINAS!

Ang hirap. 

Sabi nga nila, UPCAT lang ang madali dito.

Pero iba pa rin yung saya na nandito ka at pasigaw-sigaw ng U-NI-BERSIDAD NG PILIPINAS!

"Hey Aitana Glyz Ferrer, nakakalimutan mo yatang may tao dito sa backseat ng kotse ng mama mo?" Sigaw ni Angel habang pinapalo-palo pa ang space sa tabi niya para convincing.

love, Aitana.Where stories live. Discover now