Three months later....
ALEESHA
Tatlong buwan na nakakalipas na nakaupo ako say wheel chair at hindi ako makapag compete dahil sa injured ko. Nasa kwarto ako ngayon habang inaayos ko ang buhok ko.
Tumayo ako saka naglakad ako pababa para kumain ng tanghalian.
“Oh Hija, kain na” si tita habang inihanda nya ang mga plato, kutsara at tinidor. Tumulong naman si Angela sa pag handa. Umupo ako saka kinuha ko ang kanin at nilagay ko sa plato ko. “sya nga pala hija, babalik ka na ba sa competition?” tanong sa akin ni tita. Agad ako ngumiti saka tumango “Bakit naman hindi?” Sabi ko sabay tawa bumuntong hininga ako saka muli ako mag salita, “sa totoo lang tita, namiss ko na mag skating.” Sabi ko habang kumuha ako ng ulam, pagkatapos ay kumain na ako.
Hapon at nandito ako sa tindahan para bumili ng coke saka biscuit. “Hello blue-eyed-princess!” bati sa akin ni Diana sabay kaway sa akin. Kumaway ako pabalik saka ngumiti. “Hello!”
Umupo sya sa tabi ko at siniko nya ako. At lumingon ako sa kanya, “So babalik kana sa Canada?” malungkot na tanong ni Diana. Ngumiti ako kaunti saka tumango, “Iiwan mo Naman ako beshy? Huhuhu” Sabi nya at nagkuwari pa na iiyak sya at pinunasan nya ang pisngi nya gamit ang kanyang kamay. “Huwag ka nga umarte dyan makikita mo naman ako sa tv” Sabi ko at tumawa ako nang marahan. “Oo pero iba Yun!” Sabi nya. “Beshy sasama ako!” dagdag nya
Bumuntong hininga ako, “Beshy, saka kapag nakapagtapos kana sa pagaaral hunting tiis nalang, matatapos kana” Sabi ko at inakbayan ko sya. At tumigil sya sa pagiyak. “Oo pero malayo pa Yung closing!”Nasa fourth year college na si Diana samantalang ako nasa first year college palang ako. Pero nag o-online class lang dahil sa kaka busy sa pag practice para sa competition.
“gutom na ako palibre nga” si Diana
“May pera ka bumili ka!”Namiss narin kita Diana.
Kinabukasan, ay lilipad na kami pabalik sa Canada kasama na si Daddy at tinalikoran na nya pagiging coach sa mga estudyante nya sa maynila.
Sabado, at ilang linggo nakakalipas nung pagbalik namin dito sa Canada. nandito kami sa Sunset Arena para mag practice ako para sa darating na competition.
Habang nag se-skate ako ay hindi ko pala namalayan na ngumiti pala ako.
At inihanda ko na ang free leg ko para makatalon at...yesh! I landed hindi na sumakit ang paa ko.“Yes!” sigaw ko at lahat mga tao nandito ay nakatingin sa akin pero wala akong pakealam basta nakatalon na ako muli.
“Magaling na nga any paa mo anak!” si Daddy at nakatalon pa sa saya.
Ngumiti ako ng malaki at sa Nakita ko na naging seryoso ang mukha ni Daddy Lalo na si Mommy.