#10 (Spoken Poetry)

102 0 0
                                    

"Kaigan"
Ni: Author Maravilla

Kaakibat
Kakampi
Kausap
Kasama

Ilan sa mga mararaming salita na mailalarawan ko sa iyo, aking kaigan.
Dahil yun ang totoo, kung ano ang nararanasan ko kapag kasama ka, ayan lahat yun.
Hindi ako nagkakamali, dahil ako ang nagpapatunay
Na naging mabuting dulot ka sa buhay kong iyo'y kinulayan.

Masaya- yan naman ang pakiramdam ko kapag kasama ka. Bawas-lumbay at may karamay ako dito sa mundong ito.
Ano pa nga ba ang hihilingin ko? Wala na, kasi nandito ka na. Ayos lang kahit matagal pang dumating ang sisintahin, dahil ang kaigan ay sadyang pangmatagalang piling.

Ngunit dumating ang isang araw na mas naniwala ka na sa iba.
Ano nang nangyari sa atin, kaigan?
Naiintindihan ko na hindi lang ako ang tao sa mundo, at may karapatan ka namang makakilala ng ilan pa.
Ngunit ano nga bang nangyari? Bakit nga ba biglang naglaho sa alaala mo ang samahan?

Naging abala man tayo sa kanya-kanyang buhay, di dapat yun naging hadlang. Kung talagang magkaigan tayo, kahit ganon, tayo'y dapat mas tatagal.

Parang niyurakan ang puso ko ng libu-libong karayom nung makita ko kayo ng bago mong kaibigan. Para bang hindi ako naging mahalaga. Naaalala ko pa nung tayo'y magkakasama, para bang gusto ko nang maglaho sa bawat pagsasawalang-bahala mo sa aking presensya.

Na kumbaga hindi mahalaga ang aking pagkakabuhay.
Na parang baliwala lang ako sa mundong ito.

Poems (Compilation)Where stories live. Discover now