CHAPTER TWO

46 5 10
                                    

"LIMANG SENTIMO NG pilak para sa'yo, binibini

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LIMANG SENTIMO NG pilak para sa'yo, binibini." Inihagis ng sentinel-in-charge sa akin ang isang tela na bumabalot sa baryang kinita ko. Muntikan ko nang hindi ito masambot dahil sa pagiging tulala ko.

Kanina, nang maramdaman naming wala na ang sandstorm ay mabilis kaming tumakas mula sa pinagtataguan namin at bumalik rito sa dome. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik ng buhay kahit pakiramdam ko lutang ako kanina. Tumakbo lamang ako ng tumakbo na blangko ang isip.

I'll admit it. Takot na takot ako kanina. Takot akong mamatay. Takot akong mamatay na hindi manlang nararanasang mabuhay. Natakot akong hindi makakabalik agad si Vertex at Magnus, at mawalan ako ng kaibigan. Sobrang takot ako na ang nagawa ko nalang ay yakapin ang sarili ko sa isang sulok. Takot akong mawalan ulit ng mahal sa buhay.

"Earth to Pyramid, stop spacing out. Umabot ka na yata sa milky way sa sobrang tulala mo," Vertex said as he snapped me out of my trance.

Para akong shungang napablink ng ilang beses bago narealize ang sinabi ni Vertex.

"Tigilan mo ko sa astronomy mo, Vertex ha." Pinilit kong ngumiti nang salubungin ko ang mata niya. Napakalawak nanaman ng ngisi niya at tila 'di alintana ang marumi niyang pisngi.

"Hiya ko naman sa chemistry mo. Parang mababanggit mo na ang buong periodic table kapag takot ka." Siniko niya ang braso ko bilang hudyat na maglalakad na kami. At ako bilang lutang, ay hindi ko agad na-gets kaya't medyo nahuli ako sa paglakad.

"Kundi naman kasi kayo potassium na dalawa ni Magnus edi sana 'di ako kinabahan ng ganun," reklamo ko.

Napakarami kong nakakasalubong at nakakasabay sa paglakad kaya't nahihirapan akong makahabol kay Vertex. Matangkad si Vertex at mahaba ang mga binti kaya't mabilis siyang maglakad. Kumpara naman sakin na parang lahat ng parte ng katawan ko ay maliit.

Nakakapagtaka nga ang bugso ng tao sa parteng ito ng dome. Wala ka naman kasing makikita rito kundi tent-dwellers.

"Potassium!" nasambit ko nalang ng mabangga ako sa malapad na likod ng Vertex. "Ba't ka ba bigla-biglang tumitigil?"

Nanatili siyang nakapako sa kintatayuan niya at dahil nga may katangkaran siya ay hindi ko makita ang nasa harapan niya. Nice talking and nice view, Vertex! Kundi pa ako sumilip sa gilid ay hindi ko pa makikita.

Halos bumaliktad naman ang sikmura ko dahil sa nakita. Ilang mga scavengers na galing sa kabilang gate ang bumalik mula sa kanilang paglalakbay. They're taking the northwest side of the desolated land habang sa north naman kami. Madadaanan namin ang northwest gate sa tuwing babalik kami sa tents namin.

Imbis na mga kalakal ang dala nila, hila-hila nila ang halos lapnos at sunog na katawan ng nasa tatlo nilang mga kasamahan. Bakas ang pagod, takot at lungkot sa mga mukha nila dahil 'di nila nailigtas ang mga kasamahan. It was such a devastating sight to see. Mabuti nalang at agad binalutan ng puting tela ang mga bangkay.

The Tale Of The After WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon