<Athena's POV>
"Ako ba Kim Minseok, naaalala mo pa ba ako?" pagtanon ko sa kanya.
Tumahimik yung paligid.
Isa-isa silang naghihintay sa sagot niyang matamis at makapagbibigay ligaya na oo.
Umiling siya.
"Hindi talaga. Wala akong kilala ni isa sa inyo."
Natulala na lang ako sa sinabi niya.
Tipong nag reminisce ako at hindi kinaya ang nangyayari kaya emotional breakdown ang naging resulta.
"Hello!" bati ng doctor na nag checheck up sa akin.
Nagkatitigan kaming lahat sa kanya. Imbis na ngumiti yung doktor dahil sa gising na si Xiumin, sumimangot siya dahil siguro nakita niya ang mga mata kong namamaga sa biglaan kong pag-iyak.
"May kailangan ba akong malaman?" tanong niya at inayos yung coat niya.
"Let's talk outside" pang-imbita ni Christal at lumabas sila.
"S-Sorry talaga. Wala talaga akong maalala" sabi niya
Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan habang pumapatak isa-isa yung luha ko. Hinawakan ko yung kamay niya. Tinitigan ko ito ng saglit na oras at pinunasan ko yung luha kong napadpad sa kamay niya.
"Sana, dumating yung araw na matandaan mo lahat-lahat. Asahan mong ipagdadasal ko yun kasi ang sakit ehh."
Tahimik silang nakayuko habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Hi! Ako si Athena, 14 years old. Isa akong barista." pag-papakilala ko ulit sa kanya.
Tinapik ni Tao yung balikat ko.
"Natawag yung eomma ni Xiumin" sabi niya at binigay niya sa akin yung cp ko.
Huminga ako ng malalim para hindi niya mahalatang kakagaling ko lang sa pag-iyak.
"Hello po eomma!"
("Iha, kumusta ka?")
"Okay lang po. Kakagising lang din po ni Minseok"
("Talaga? Pakiusap naman oh")
Pinindot ko yung speaker para marinig namin.
"Eung, kakausapin ka daw nung mama mo." sabi ko kay Minseok at umupo sa kama ko.
"Hello Eomma!"
("Anak! Buti't gising ka na. Kumusta? Anything weird?")
Biglaang bumukas yung pintuan namin at halos napasigaw yung nagsasalita.
"May retrograde amnesia si Xiumin. Bantayan niyo siya at tulungan niyong maalala niya ang mga bagay-bagay, arachi?" sabi ng doctor.
("Athena, may amnesia ang anak ko?")
"Meron po eomma. Retrograde amnesia. Ang natatandaan niya lang ay ang pamilya niya at personal infos. Hindi niya po maalala yung EXO, AG, at mas lalo na po ako."
Shet naiiyak na naman ako.
("Matatandaan din kayo niyan. Oh ito na lang, ikaw ang mag-alaga sa kanya. Huwag mo siyang pababayaan. Aasahan kita Athena. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami, ok?")