Pauper but Prince 5

110 3 0
                                    

~PbP 5~


Isang linggo na ang nakakalipas mula ng bumalik siya. Normal na ulit ang lahat sa buhay ko. Aaminin ko na mas naging makulay ng dahil sa pagbabalik niya. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na alam ko na lahat. Na naniniwala na akong prinsipe talaga siya. Hindi ko masabi dahil ayokong isipin niyang sinasamantala ko ang kabutihan niya. Ayokong isipin niyang pinakikisamahan ko siya ng mabuti dahil lang alam ko na isa nga siyang prince. 

Gusto kong maramdaman niyang para sakin, isa siyang karaniwang tao na nagpapatibok sa puso ko. Yes, gusto ko na siya. Pero hindi ko maamin at hindi ko aaminin. Alam ko na hanggang pagtingin lang ako. Malabo pa ring maging kami. Hindi ako karapat dapat sa kanya. Masaya na ako sa kung ano ang meron kami at kung dumating ang time na tuluyan siyang aalis at mawawala.. tatanggapin ko ng buong puso lahat. 

"Mads?" tawag ni Q. 

"Oh bakit?"

"Ano ba 'yung papaitan?"

"Huh?"

"Kasi may customer kaninang umaga nag rerequest sabi niya sabihin ko raw sa'yo na magluto ka ng ganon."

Ang gwapo niya talaga. 

"Ahh. Oo sige. Ako na ang bahala bukas magluluto ako."

Naupo siya sa tabi ko at tumitig din sa madilim na kalangitan. Nandito kami ngayon sa rooftop kung saan may maliit akong katre. Dito kasi ang sampayan ng mga damit. Madalas akong maglagi dito noong bata ako pero nung naging mag-isa na lang ako madalang na akong tumambay dito.

"Malapit na ang pasko," I said. December na kasi at malamig na ang simoy ng hangin. May mga nagliliwanag na christmas light na sa mga kabahayan. 

"Oo nga. Excited na ako. First time ko kasing magpapasko dito sabi ni lady Tess kayo daw ang may pinakamahabang araw ng pagcecelebrate ng pasko."

"Oo nga. Sinong lady Tess?" tanong ko.

"Si lady Tess and mayordoma sa palasyo namin. Isa siyang pure Filipina at mula bata ako siya ang nag-alaga sa'kin. Kaya nga matatas akong mag tagalog eh. Pero hindi ka naman naniniwala sa'kin eh. Kaya hayaan mo na yun;" he said. 

Hindi agad ako nakaimik. "Paano kong naniniwala na ako?"

"Talaga?" nagliwanag ang mukha niya.

"Ang totoo kasi tumatak sa isip ko yung mga sinabi mo bago ka umalis. Tapos ayun sinearch kita sa net at nabasa ko ang balita tungkol sayo," kinakabahan ako. What if magalit siya sa'kin?

"Ahh.. yun ba, wag mong pansinin yun," nginitian niya ako. "Masaya akong naniniwala ka na. Bakit di mo agad sinabi?"

"E-eh kasi.. una nahihiya ako sa'yo. Ayokong may magawa akong mali. Natatakot din ako na baka umalis ka na bigla pag nalaman mong alam ko na. Noong una nabigla ako at akala ko panaginip ka lang pero nung bumalik ka ulit.." tiningnan ko siya. "Naniwala na akong totoo ka talaga. Salamat ulit. Salamat kasi naging sandalan kita. Pinaramdam mo sa'kin na hindi ako mag-isa. Salamat kasi dahil sayo nakakatulog ako ng mahimbing sa gabi dahil alam kong ligtas ako pag nandyan ka. Wag kang mag-alala hindi kita tatanungin ng kahit ano about sa pagiging prince mo."

Inakbayan niya ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nginitian niya ako. Lumabas na naman ang pantay-pantay at maputi niyang ngipin. Nagsisikip ang dibdib ko. Magkalapat ang mga balat namin. Aware ba siya dun?

"Kaka-graduate ko lang ng college nung kausapin ako ng dad ko. King Edward is my dad. Sabi niya balak na daw niyang bumaba sa pwesto at ilipat sakin ang crown. He wants me to become a king."

"Pauper but Prince" ~Short story~ by KimEanSukJ.♥ (COMPLETED)Where stories live. Discover now