CHAPTER TEN

0 0 0
                                    

"Gem!" masiglang tawag sa kanya ni Missy nang matanaw siya nito. Pinunasan niya ang naluluhang mata at nakangiting tumakbo at yumakap dito.

The moment she hug her bestfriend, she already lose it. Lalong bumuhos ang luha niya. Pakiramdam niya, nakahanap siya ng kakampi. Mukhang natigilan ang kaibigan niya.

"Gem, are you okay?" tanong into.

Akmang kakalas ito pero mas hinigpitan niya ang yakap niya. Mukhang naintindihan naman siya ni Missy kaya hinayaan lang siya.

At nang makalma tsaka lang siya kumalas. Nasa mukha ni Missy ang awa pero ang higit na nakakuha ang pansin niya ay ang lalaking nasa likod pala nito na nakatingin din sa kanya. Nakaramdam siya ng hiya.

Sino 'to? Kanina pa ba 'to diyan?

"Sige na kuya, itetext na lang kita kapag pauwi na ako" sabi ni Missy sa lalaki nang mapansing nitong nakatingin siya doon.

"Sure" he looked at her. "Okay lang ba yang kaibigan mo?"

Nahihiyang tumango siya. "Okay lang po ako"

Sumakay ang lalaki sa motor at pinaandar palabas ng subdivision.

"Nakakahiya" bulong niya habang pinupunasan ang basang pisngi.

"Ayos lang yun. Mabait naman si kuya, hindi ka non pagtatawanan" biro ni Missy.

And as expected, sila lang dalawa ni Missy ang gumawa ng group activity nila. Nakwento niya rin dito kung bakit hindi nakasama si Rhian sa kanila.

"I really hate that Rhian. Iba yung pakiramdam ko sa kanya e" paliwanag ni Missy.

"Anong pakiramdam?" curious niyang tanong. Alam niya ang nararamdaman ni Missy pero gusto niya pa rin marinig ang sasabihin nito. Pampagaan man lang ng loob.

"Parang nasa ilalim ang kulo. Palihim na bitch"

Natawa siya sa sagot ng kaibigan

At ganon nga ang nangyari sa mga sumunod na buwan at mga taon. Tama, mga taon nga. Sumapit sila sa third year college pero nanatili pa ring nanliligaw si Joseph kay Rhian. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin nito masagot sagot ang kaibigan niya gayong halatang gusto din naman nito si Joseph. Hindi tuloy nya alam kung matutuwa ba siya doon o ano.

At sa loob ng mahigit dalawang taong nasasaktan, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya kay Joseph. Mahal niya pa rin ang bestfriend niya kahit walang pag-asa.

Walang walang pag-asa because Joseph is really serious with Rhian. Alam niya yun. Hindi tatagala ang panliligaw nito kung hindi.

Minsan sinubukan niyang itanong kung 'bakit'' ang tagal ata ng ligawan nila. Hawak hawak ang kopitang may alak, inuman yun ni Joseph pagkatapos ay tiningnan siya

"Bakit daw?" ulit niya habang nakatanaw sa madilim na langit.

Nasa rooftop sila ni Joseph ngayon, sa bahay nito. Birthday kasi ng dad nito at imbitado sila. Inimbita din ni Joseph si Rhian pero hindi ito nakapunta.

"She's afraid that our relations might not work"

Napakunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Aalis siya with her family papuntang US"

Natigilan siya.

"Kailan daw?"

"Dapat last year pero hindi natuloy. Pero ngayon, sigirado na. Tatapusin lang ang pasukan, aalis na sila. Baka daw kasi hindi magwork ang LDR samin"

Napanganga siya sa narinig.

So, yun pala ang rason.

"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"Manliligaw pa din. Gusto kong kumbinsihin siya na kakayanin namin kahit magkalayo man kami ng distansya"

Iniwas niya ang tingin. Napatingin sa hawak nitong kopita na nangangalahati na ang laman. Parang gusto niya ring uminom.

And Joseph made it... Napa-oo niya si Rhian sa kabila nang nalalapit nitong pag-alis. That was Sunday night nang tumawag sa kanya si Joseph at tuwang tuwa na binalita iyon sa kanya.

Hindi na niya maalala kung paano niya nasabi ang 'Congratulations' nang hindi pumipiyok. Ang naaalala niya lang, umiyak siya buong gabi dahil sa selos, inggit at sakit na nararamdaman.

Sabi nila, Rhian and Joseph's relationship is almost perfect. Maraming natuwa, maraming nagsabing 'bagay sila', 'sana sila na'. Maeffort kasi si Joseph kay Rhian. Lagi itong may surpresa at para naman siya robot at tagasuporta sa likod nito.

Gusto niyang tawanan ang sarili sa kamartyran. Kahit kase nasasaktan na siya sa kaibigan, nananatili pa rin siya sa tabi nito para sumuporta

Pero natapos din sila pagkalipas ng anim na buwan. Si Rhian ang nakipaghiwalay. Ang rason? Hindi niya alam. Hindi sa kanya sinabi ni Joseph. At doon na din nagsimulang magbago ang lahat. Joseph becomes playboy. Kabi-kabila ang naging babae. Halos lahat ata ng babae pinatulan na...maliban sa kanya.

She sighed.

Bumangon siya sa pagkakahiga at pinunasan ang iilang luha na umaagos kasabay ng mga alaala. How she wish, Missy is here...may matatakbuhan siya.

BEHIND HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon