Kabanata 9

56 31 1
                                    

[ CHAPTER 9 ]

WRITTEN BY: NIXS

Bwiset! Nandito kami ngayon sa office ni Kapitan. Nadala kami dito dahil sa away na naganap.

Magkaharap si Faye at Angie ngayon. Hingal na hingal pa 'yung dalawa dahil sa sabunutan. Kami naman ay nasa likod lang ni Faye. Kasama pa din namin si Alexandrei.

"'Pa, siya ang nauna! Kung ano-ano ang pinagsasabi sa 'kin, kesyo daw malandi ako gan'yan!" Naiiyak pang sabi ni Angie.

Bakit naiirita ako sa inaasta niya?

"Bakit hindi ba? Pasensya na ho, Kapitan, ha, masyado lang kasi akong honest." Puno pa rin nang kasarkastikuhan ang tono ni Faye.

"See? Lumabas din sa bibig niya!"

"Hindi ko naman kasi sasabihin 'yon kung hindi ka nag-bigay motibo, masyado kang malandi!" Tatayo na sana si Angie kaso pinigilan siya ng papa niya.

"Tumigil na kayo, paumanhin sa nangyari mga hijo, hija. Pero sana ay nagbigay galang kayo sa isa't-isa at sa mga ibang taong nakakita sa inyo."

Tumango naman kami.

"Amm pasensya rin po sa ginawa ng kaibigan namin. Pwede na po ba kaming mauna?"

Pakiusap pa ni Charles.

"Sige maari naman. Angie, mag-usap tayo mamaya," sabi pa ni Kap., at sinamaan naman kami nang tingin ni Angie.

"Turukin ko mata mo, eh!" bulong pa ni Faye na ang lakas lakas naman.

"Whatever!" Tsaka lng inerapan ni Angie si Faye. Hinila na namin si Faye para lumabas.

"Next time na lang siguro, ah, masyadong wrong timing ngayon eh," sabi ko pa kay Alexandrei.

"Ayus lang, sana ay maging okay na 'yang si Faye. Mauna na ako." Ngumiti na lang kami sa isa't-isa.

Naglakad na kami pauwi pero mas nauna si Faye.

"Masyadong malapit sa 'yo' yung lalaking 'yun, ah," sabi pa ni Khalil sa 'kin.

"Kaibigan ko naman, eh," sagot ko nang maikli.

Tsaka ko hinabol sila Faye, nang makarating kami sa bahay ay agad na dabog na umupo si Faye.

"Nakakainis 'yung demonyitang 'yon!" Sabi niya pa.

"Easy ka lang, 'tol, hayaan mo na 'yun," pagpapakalma nitong si Aqui.

"Sana kasi hindi mo na lang pinatulan para walang nasaktan, ayan tuloy tignan mo itsura mo. Tsaka sana hindi tayo umabot doon," sabi pa ni Charles sabay inom ng tubig.

"Wala kang alam kaya 'wag kang mangelam! Wala kang alam!!" Sigaw niya at parang maiiyak na kaya tumakbo siya paakyat.

Nagtinginan na lang kami. Parang may mali sa kinikilos niya. Kapag naman kasi nag-aaway sila ni Charles, sobrang sandali lang at normal lang sa amin. Pero ang lalim naman nang galit niya ngayon kay Charles.

"Hayaan niyo na kakausapin ko na lang," sabi ko pa at sumunod ako kay Faye.

Pagpasok ko ng kwarto namin ay nakita ko na lang na umiiyak siya. Masakit para sa 'kin makita ang kaibigan kong umiiyak kaya ngayun 'di ko na alam ang mafe-feel ko.

"Faye, pagpasensyahan mo na si Charles, nag-aalala lang naman sa 'yo 'yun, eh." Napatingin naman siya sa 'kin.

"Wala kasi siyang alam! Gusto ko lang naman mapagtanggol 'yung meron sa inyo ni Khalil, ah? Bakit parang ang sama ko para sa kaniya? Ganu'n ba 'yung tingin niya sa 'kin? Kaibigan niya ba talaga ako? Ang harsh harsh niya lagi sa akin!"

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon