✧ 037

415 36 23
                                    

YOOJIN'S

Nasa kotse na ako ni Junkyu ngayon and typical Junkyu, nagdadaldal lang sa akin about sa mga nangyari sa kanya ngayong araw.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag-kekwento siya, he doesn't really care if I want to hear it or not. Basta gusto niya, gagawin niya. And I like that about him, sana maging katulad niya ako sa part na 'yon.

"Ta-da! Nandito na tayo, tara love." anyaya niya sakin habang nakahawak pa din sa kamay ko. Hinila niya nanaman ako papalabas.

Nasa isang executive village ang bahay nina Junkyu, and as usual malalaki talaga ang bahay dito. Pero iba ang kayna Junkyu, malalaman mong ibang lebel ang yaman nila.. This kind of reminds me our house. It was damn huge pero sobrang lungkot non sa loob.

Panay ang pakilala sakin ni Junkyu sa mga katulong nila dito sa bahay nila. Pero mukhang kilala na din naman ata nila akong lahat, kanda puri din sila sakin habang ako pangiti-ngiti lang.

Sana walang makakilala sakin dito.

"Love, dito ka muna ok? Magpapalit lang ako sa taas." he smiled at me, tumango lang ako at sinundan siya ng tingin.

Nakaupo lang ako sa sofa nila, tinignan ko ang bawat paligid. Ang ganda ng bahay nila, ang aliwalas. I can see how luxurious their furnitures are, lahat sila branded. Napansin naman ako ng isang housemaid nila at agad na lumapit sa akin. I smiled at her.

"Kukuha lang ako ng juice para sayo ija, diyan ka lang muna ah?"

"Thank you po." agad kong sagot.

I patiently waited at nanatili lang sa kinakaupuan ko. Napansin ko ang ilang picture frames sa hindi kalayuan, I can see a baby Junkyu. Mama ata niya ang kasama niya, may picture din ng isa pang bata, kuya niya siguro.

He must have a good childhood, pag-iisip ko. Sana all.

"Nako, sorry sa paghihintay ija! Si Junkyu naman kasi, hindi man lang sinabi samin na pupunta ang girlfriend niya dito." pagkarinig ko sa boses ay agad akong napalingon.

At first, hindi ko makita ang mukha ng nagsasalita. She looks old pero hindi sobrang tanda, parang 'tita' ganon. But her voice, it seems so familiar. Pakiramdam ko, kilala ko siya―

"Ya..ya?" bigla kong imik. Napatingin siya sa akin na naging dahilan para makita namin ang isa't isa.

"Y-Yoojin-ah?.."

"Yaya!" agad akong napatayo at saka siya niyakap ng mahigpit. I missed her so much.

"Yoojin.. Bakit ka andito? A-Alam ba 'to ng Mama at Papa mo? Kilala ba nila si Junkyu? P-Paanong.."

"No.. Hindi nila alam, wala silang alam kung nasaan ako ngayon."

"Ano? Tumakas ka nanaman? Yoojin, alam mo namang―"

"May nangyari kasi at.. hindi ko kayang magtigil pa sa kanila.."

"Nangyari? Anong nangyari?"

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें