CHAPTER 18

244 7 0
                                    

Papaanong nangyari yon?


Jino-joke time ba nila ako?

"Czarina can we talk?" Taas kilay kong tanong diretso sa kanya.

"Su-sure Emilia my friend!" nahihiyang sabi pa nito at inexcuse ang sarili mula sa kanyang ina at mga kapatid.

Bago pa pumayag si tita Valerie ay hinigit ko na sya sa mini-garden hindi malayo sa pool area at pinagbabato ng mga tanong.

"What the fuck Czar? Am I not your friend? Paanong naging kapatid mo si Vincent? Why are you hiding secrets from me!? Do you know these wedding all this ti-"

"Geez Emilia, calm down!" naiinis na sabi na rin nya at pilit akong pinapakalma.

"Okay. Okay just please answer my questions atleast!" nafu-frustrate kong tanong sapo-sapo ang noo. Pabalik balik na rin ako sa nilalakaran ko na parang hindi mapakali.

"Okay listen. Vince and I are twins" mahinahon niyang kwento.

"Seriously? Hindi halata" matalim kong sagot sa kanya dahilan para mapakamot siya sa ulo.

"I'm serious! We're fraternal twins." pangungumbinsi niya pa sa akin.

"Bat di ko alam noon? Kaya ba nagalit din sayo si Jean?" tanong ko sakanya dahilan para tumaas ang kilay ko dahil sa reaksyon niya.

Naglilikot ang mga mata niya na parang nakukunsensya at hindi mapakaling kinagat kagat ang pang-ibabang labi.

The typical Czarina Santillan.

"H-hindi ko naman alam na aabot sa ganito friend. Please belive me, I don't know about these plan you're talking about until earlier in the morning" nahihirapan niyang sabi. Alam ko naman ang ugali nitong kaibigan ko kaya naniwala na ako.

"How about chief-err the one who just arrived?" shit. I can't even say his name! "Sa inyong lahat, sya lang ang nag-iisang Santander. How come?" dugtong ko pa.

"He's adopted" mabilis nitong sagot dahilan para mapatigagal ako.

The moment I heared those words ay parang gusto ko siyang puntahan sa loob at yakapin ng mahigpit pero malabong mangyari yon. Wala naman kasi akong karapatan kaya kung ano man ang nararamdaman ko, sarilihin ko nalang.

"H-ho-" tanong ko sana pero mabilis din niyang pinutol ang sasabihin ko pa.

"I have no rights on telling you this Emilia, the only way to know why is through asking him" nakokonsensya nyang sabi which I respect. Wala nga naman talaga syang karapatan magkwento kung hindi naman niya buhay iyon.

Hindi ko na rin ikinwento ang mga nangyari sa amin ng kuya niya dahil tapos na iyon at hanggang don nalang talaga. Iyon naman talaga ang dahilan ko para hindi maituloy ang kasal e, pero sa kasamaang palad ay ikakasal parin ako at sa kapatid pa niya. I think I was borned in this life as a joke and my feelings were made as a toy. Ni hindi ko na alam kung kanino pa ba ako magtitiwala.

"CZARINAAAAA!" sigaw ng pinsan kong si Pau nang bumalik sila sa loob ng basang-basa dahil sa pagtatampisaw sa pool kanina.

"PAUUUUU!" tili din niya. O diba? Sabi ko na nga ba at sila talaga ang mag-bestfriends e.

Nagkamustahan din silang dalawa kasama na rin ng iba ko pang pinsan. At dahil nagseselos na ako ay pumunta na rin ako sa gawi nila pero bago pa man ako makalapit ay may humila sa pala-pulsuha ko.

"What the he-"

"Let's talk" sabi nito sa baritonong boses.

"Ayieeee. Excited ang koya mo Vincent" the one and only Pau.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon