Pyxis 110 Alester is back

17 0 0
                                    

Hunter

"Bago ko kayo iwan at saraduhan sa mala paraisong training room na ito na mas malawak pa sa ballroom sa isang palasyo na nasisiguro kung masisira ang ganda nito mamaya may ilang paalala lang ako sayo Lily" turan sa akin ni Master Conan

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Alester ng mapansin na hawak ni Master ang kanang palapulsuhan ko

"Wala ito iho may mga kailangan lang akong ihabilin sakanya, sakanya lang" seryosong saad ni Master na hindi kami sanay mas sanay kamj sa pagiging palabiro nito kung sabagay hindi biro ang kakaharapin namin ni Alester ilang minuto mula ngayon

"Mauna kana sa sentro susunod ako" sabi ko kay Alester at agad naman siyang sumunod.

"Bakit po ba hindi pwedeng marinig ni Alester ang sasabihin niyo?" nakapagtataka lang kasi

"Lily o mas kilala bilang Hunter, ang paalalang ito ay para sayo lang talaga ito at mauunawaan mo kung bakit" naku naman ang daming paligoy ligoy ni tanda ah master pala hahaha

"Sisimulan ko na kaya makinig ka" tumango lang ako sakanya senyales na nakikinig ako

"Una, kailangan mong hubarin lahat ng pekeng pinaglalagay mo sa katawan mo, ang pekeng anyo mo bilang si Hunter you need to be Lily ngayon iyong totoong Lily sa lahat ng aspeto"

"Ano? Hindi pwede!!!" ayokong makita ni Alester ang tunay kung ano pwede akong mapahamak sa pinapagawa niya

"Wala ka paring tiwala sakanya hanggang ngayon?" mapang usig na tanong ni Master

"Hindi naman po sa ganun" nag-aalangan lang talaga ako

"Ilang ulit ko ng sinabi sayo Lily, kapag hindi ka nagtiwala sakanya ng lubos pareho kayong mamamatay, idagdag mo narin tanggalin iyang nasa mata mo ano na nga tawag mo lens?"

"Contact lens po"

"Basta iyon kasama sa kailangan niyang makita" tumahimik ako nagdadalawang isip

"Pangalawa, kapag nailantad muna ang sarili mo sakanya kailangan iyang anyo rin ang makikita niya kapag nagpalit na siya ng anyo. Kapag nagpalit siya ng anyo dapat totoong boses at anyo mo ang makita niya dahil iyon ang nakatatak sa utak niya wala ng iba"

"Huh?"

"Pangatlo, wala siyang maaalala ni isa kapag nagpalit na siya ng anyo hindi niya maaalala ang sarili niya bilang Alester"

"Pang-apat at Panghuli, nasa sayo ang susi para magkaisa kayong pareho ni Alester, iyan lang pakakatandaan mo Lily its time to be you the real you the real Lily Winter"

Nangilabot ako ng banggitin ni Master Conan ang apelyedo ng pamilya namin ang pamilya namin na akala ng lahat ay patay na.

Sinunod ko ang sinabi ni Master Conan pagkasara niya ng pinto. Gagawin ko ang dapat kung gawin basta magpakatotoo lang ako at magtiwala kay Alester sigurado kung malalampasan namin ang mangyayari mamaya.

Pagkapunta ko sa sentro nag-uumpisa ng tumagaktak ang pawis ni Alester nakaluhod siya at nakayuko ang ulo. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya ako nakikita.

"Ang tagal mo naman ata?" tanong niya sa akin pero bakas sa boses nya ang kanyang pagbabago

"Tama lang, nasa tamang oras lang ako ilang segundo nalang tatapat na ang buwan dito sa sentro" sagot ko sakanya

"Ikaw na ba iyan?" tanong niya mas malalim na ang boses nito sa ngayon

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya dahil naguguluhan din ako kung bilang Hunter o bilang Lily ang katanungan niya. Humakbang ako hanggang sa kanyang harapan.

Pyxis AcademyWhere stories live. Discover now