LANCE'S POV
"Anong ginagawa mo rito?" nagulat ako nang lumitaw sa gilid ko si Kylie.
Nasa garden ako dito sa ospital. Kahit naka-airconditioned doon sa kuwarto ni Trixie ay naiinitan pa din ako. Hindi ko alam pero naiinis ako sa hindi alam na kadahilanan. Bat ba may lalaki pa kasi don sa kuwarto ni Trixie, ang yabang nang pagkakatingin nya sa 'kin. Hindi ko alam kung pang-aasar ba 'yon o ano. Naiinis lang ako sa kung sino man na lalaki iyon.
Nagulat din ako kung bakit nandon sila Kylie at Mommy nya ata. Hindi ko alam kung kaibigan 'yon nila dad and mom. Pero kung oo, masasabi ko na talagang maliit ang mundo.
"Dinadalaw si Trixie," nakataas noong ani ko.
Ngumiwi sya,"Bakit? Kaano-ano mo si Trixie?" nangunot naman ang noo nya.
Wala akong pakialam sa mga tanong nya. Pero namimiss kong makipagbangayan sa hambog na 'to.
"Pakialam mo ba? Sinama ako dito nila mommy. Sakanila mo itanong!" singhal ko sakanya.
"Tch!" mahinang bulong pa nya. Pagtapos ay umupo sa tabi ko.
Hindi ko alam pero bumilis tibok nang puso ko. Bagay na hindi ko inaasahan. Lumayo ako nang isang metro, dahil ayokong dumikit sakanya, iba kasi ang pakiramdam.
"Pwede magtanong." hindi pangwengwestyon ang tinig nya. Hindi sya nagtatanong. wala 'rin emosyon. Kahit lagi naman gano'n ang mukha nya ngayon ay parang kakaiba ang dating no'n.
Sumeryoso ako sa hindi alam na kadahilanan."Nagtatanong kana." maikling saad ko. Kahit hindi naman talaga pangengwestyon ang tinig nya.
"Ayusin mo lang mga sagot mo," napalingon ako sakanya dahil sa maawtoridad nyang boses. Hindi ko sya sinagot sa halip ay inisimiran ko lang sya."Kilala mo ba ang pamilya ni Trixie?" walang emosyong sambit nya.
"Hindi ako interesado," panggagaya ko sa sinabi nya sa 'kin kahapon.
Napapabuntong hininga syang tumingin sa 'kin,"I'm asking you." matitigas at madidiin ang bawat salitang binigkas nya.
"Then ask as much as you want. Wala ka namang sinabing sagutin ko. Sabi mo lang magtatanong ka," nakataas ang kilay ko nang sabihin iyon. Nang-aasar na 'rin pati ang tinig ko. Gusto ko lang iparamdam sakanya ang ipinaramdam nya sa 'kin kahapon. Tignan ko lang kung hanggang saan ang pasensya nya.
Buntong hininga nanaman syang sumandal sa sandalan. Nauubusan na nang pasensya.
Bumuntong hininga nanaman sya."Anong koneksyon mo kay'la Trixie?" mas madiin na ang mga salita nya ngayon.
"Si mommy. Kilala nila si mommy," hindi ko inaasahan na sasagutin ko iyon nang matino. Wala akong balak makipagusap nang ayos sa hambog na ito pero sa bibig ko iyon mismo lumabas.
Agad tumaas ang mga kilay nya."Panong kilala?"
Slow.
Buntong hininga akong umayos nang upo. Wala 'rin namang patutunguhan kung babarahin ko lang sya nang babarahin. Patuloy lang syang magtatanong.
"Besfriend ni mom si tito Trex, tita Tricia too." buntong hininga kong sagot.
Napatango-tango sya 'don.
"Why did you ask? Ikaw? Bakit ka nandito?" balik kong tanong sakanya
"Hindi ako interesado." nakangising aniya.
Oh, c'mon!
Akma na akong tatayo para iwanan sya pero nagsalita syang muli.
"Kaibigan ni mom si tita Tricia, same as you. At kaibigan ko si Trixie, kaya dapat lang akong dumalaw." walang emosyong sambit nya. Hindi ako makapaniwala sa sagot nya, ang magulang naming tatlo ay magkakakilala. What a small fvckin' world.
YOU ARE READING
I'M UNDER HER | On-going
Random"I WOULDN'T HESITATE TO SMILE WHILE YOU SUFFOCATE."- Ang PAGKAKA-GUSTO sa isang tao ay natural na nararamdaman. Ngunit kung MAG-MAMAHAL ka ay kaylangang May kasiguraduhan. Pano ko nga ba masisiguro kung mahal ko sya? Yung hindi ko kayang hindi sya n...