Chapter 23

1.1K 22 1
                                    

Chapter 23

Kinaumagahan, agad kaming nag ayos dahil papunta kami sa hospital. Papalitan daw muna namin sa pag-aalaga si Tay Atom at gusto na rin akong ipakilala ni Chloe sa ama ni Chelsea kaya excited ako!

"Malapit na tayo sa room ni Chelsea." Nagsasalita siya habang naglalakad. Bitbit ko naman ang mga pagkain na inihanda ni Nay Lusing para makakain sila.

Tumigil si Chloe at tumingin sa akin. Nagulat ako. "Oh bakit?"

Inirapan niya ako. "Ikaw ah. Baka may masabi ka roon! Nako! Huwag mong paiiralin ang kamalditahan mo, Chel!"

Natawa naman ako. "Hindi 'no! Unless pag iba ang pakikitungo noon sa'yo at kay Chelsea." Patungkol ko sa ex niya.

"Hindi. Mabait 'yon at alam ko rin na kahit itinago ko si Chelsea, hindi niya kayang magsalita ng ganoon sa amin. Mahal na mahal niya ang bata." Nanlisik bigla ang mga mata niya nang lumingon sa akin. "Basta! Huwag kang magsasalita ng kung ano!"

"Oo na. Tsk, patay na patay ka e." Umirap ako.

Inirapan niya ako. "H-Hindi ah!"

Tumawa ako. "Okayyyy! Kunyari naniwala ako."

Hindi niya na ako pinansin at hinila na ako sa room ni Chelsea. Naabutan namin si Tay Atom na abala sa pag aayos ng higaan ng bata. Tulog na tulog ito.

"Tay.." yumakap si Chloe at humalik.

Napatingin sa kin si Tay Atom. Nangunot ang noo. "Sino naman itong kasama mo, Chlo?"

Tumawa ako. Ganundin si Chloe. "Tay Atom, tumatanda na ho ba tayo?"

Ngumiti siya nang makilala ang boses ko. "Aba, Krischel!"

"Ako nga po!" Tumawa ako at yumakap sa kaniya. Mahigpit din ang yakap niya sa akin.

"Kumusta ka na, hija? Buti at naisipan mong dumalaw?" Aniya habang kumuha ng upuan at pinaupo ako.

"Ayos lang naman po ako. Nabalitaan ko po kay Chloe ang nangyari kay Chelsea." Ngumiti sa akin ang kaibigan na nag-aayos ng dala naming pagkain.

Tumango siya at bumaling sa apo. "Magaling nga at bumuti na ang pakiramdam ni ineng. Baka bukas daw e, makakalabas na."

"Buti naman po kung ganoon."

"Nga pala, Tay?" Lumapit si Chloe at inabot ang pagkain. "Nasan nga pala si-"

"Ah! Nga pala. Nalimutan kong sabihin. May pupuntahan lang daw iyon, babalik din agad."

Namula si Chloe at tumango. Natawa naman ako. Alam kong mahal niya pa rin iyon. Halata naman sa kaniya.

Nagkuwentuhan pa kaming tatlo. Inabot na kami ng hapon at nakauwi na si Tay Atom. Magpapahinga raw muna siya. Nagising din si Chelsea, masiglang masigla na uli.

"Tata, Cyel!" Tawag niya sa akin.

Ngumiti ako. "Hmm, yes baby?"

Humagikhik ito. Lalo akong nanggigigil. Napakacute na bata.

"Kumusta na ang pakiramdam ng baby? Okay na ba? Wala ng masakit?" Paglalambing ko habang hawak ang maliit niyang kamay.

Umiling siya. "La na.."

Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako rito.

From: Love

Hey, Chel? Where are you?

Natawa ako sa isip. Wow! Saka lang ako natext. Himala!

Hindi ko siya nireplyan at tinuon na lang ang atensyon sa bata na ngayon ay nakain ng prutas. Ngunit tumunog muli ang cellphone ko.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon