Just take a deep breath and we can never take a glance,
Sometimes, all we can just say is that 'kismet's a dance'.Kismet? Bigla nalang akong nagulat nang maisulat ko ang word na 'to sa tulang ginagawa ko. Then, memories suddenly hunt me. Flashback passes through my mind. It started with a simple text message from him.
*bzzzt* *bzzzt*
Waaah! Nagvibrate na yung phone ko!
Agad agad ko namang binuksan iyon, napangiti ako. "As expected." At tumaas baba pa ang kilay ko.
Pero pagkabukas ko ng text message galing sa kanya, hindi ko inaasahan ang magiging laman nito at eto na, nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata ko. Kahit ba gm lang niya ito e, I was badly hit by his words.
Kinurap kurap ko ang mata ko at shinut down ang phone ko, at muling binuhay. Nagbabakasakaling namamalikmata lang ako. Nagbabakasakaling, baka nag-iimagine lang ako. Nagbabakasakaling, lahat ng ito ay isang panaginip lang, isang panaginip na kailanman ay hindi na mabubura sa isipan ko, lalo na dito sa puso ko.
Pagkabukas ko, agad kong hinanap ang text message nya, at dahan dahang binasa.
From: Chiede
"I don't love you like I did yesterday."
--*
GoodEbeneng! :)Gm.
#KismetHindi ako nagkamali. Talagang iyon nga ang laman ng text message nya. Parang tinusok ng isang milyong deadly weapons ang puso kong durog na durog na. Ayy, hindi, mali pala, hindi lang isang milyon, pakiramdam ko, they gathered all that deadly weapons just to make sure that my heart will broke into pieces, pieces that can never be fixed anymore.
Hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa phone ko at nailagay nalang ito sa tapat ng dibdib kong malakas ang kabog. Bigla nalang itong nagvibrate. Ibig sabihin, PM naman niya ang kasunod.
From: Chiede
Yow.To: Chiede
Oh?From: Chiede
Galit ka? Bakit hindi 'yow' ang reply mo? Ano problema?Excited na excited akong makatext siya, siya nga lang 'yung hinihintay ko kaya lagi akong may load e. Siya si Chiede Buenaventura. We're classmates since Grade 1 hanggang ngayong nag-aaral pa kami sa high school. We always belong to the highest section, not to boast but that's the truth.
Nung Grade 6 kami, kumalat na may crush siya sakin, simula noon, mas lalong tumindi yung hindi namin pagpapansinan. Hanggang umabot yung graduation, nagtext siya sakin. At simula non, naging close na kami. Not in personal, but only in text.
Hanggang sa tumagal nang tumagal, napalapit ang loob ko sa kaniya, kahit ba sa text lang e, I'm not even sure if it's possible na magkacrush ka sa taong sa text mo lang talaga nakilala kahit nakikita mo sa personal.
Lahat ng sikreto ko at problema ko, alam niya. Yung mga sikreto at problema niya, alam ko rin. Pero never kong sinabi o ipinaramdam sa kanya yung totoo kong feelings.
Kasi, kasi natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin ng iba, kung paano nila ako huhusgahan, kung pano nila ko titingnan mula ulo hanggang paa. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag nalaman nya.
*bzzzt* *bzzzt*
From: Chiede
Yow. May itatanong ako. Pwede?To: Chiede
Yeah?~From: Chiede
Pano? Pano kung yung bestfriend mo, crush yung crush mo?Hooo! Ano isasagot ko? Nabigyan ako ng konting pag-asa na... Na baka, ako pa rin. I wiped away my tears then sighed. "Aja! Arrei Maggie! That's what we call spirit! He's still into you."
To: Chiede
Wala. Crush palang naman diba? (:From: Chiede
Haha! XD kaya nga 'noh? Haha! Sigee, thanks!~ Oh? Ano ginagawa mo ba?Nireplyan ko siya. Hanggang umabot kami ng midnight nang dalawin na ako ng antok. Hanggang sa panaginip ko ay ramdam ko pa rin ang saya. Ang sweet sweet namin. Kulang nalang, pati patis ay langgamin e. Iwinaksi ko muna sa isip ko yung thought na baka totoo yung gm niya. Basta ako, masaya ako kapag katext ko siya.
Months passed, ganun lang kami. Until one day, bigla nalang kumalat na gusto ni Chiede si Elma. Nung araw ding iyon, para akong binagsakan ng isang meteoroid at parang kung anong may kumukulong mantika sa loob ng dibdib ko.
Lumabas ako sa room at naupo sa hagdanan. I slapped myself, kabilaan. I'm not dreaming. This is the truth.
Tumingala ako para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos mula sa mga mata ko, kaso hindi ko na kayang pigilan e. Nilabas ko lahat ng emosyon na dinadala ko. Sumasakit ang ulo ko kasabay ng pagkirot ng puso ko.
Bigla nalang maynagtap sa balikat ko, si Erwhan pala. Yung kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko. He knows my story,
"Masakit hano? Magiging ayos din ang lahat. Wag kang mag-alala. Dito lang ako." At tinap nya rin yung ulo ko. Di ko na nakayanan ang sakit kaya napayakap nalang ako sa kanya habang humihikbi at tinatawag ang sariling tanga.
May nakita akong tao sa pheripheral vision ko at umalis din ito kaagad. Nagulat kami ng biglang may nagsara ng pintuan, malakas at padabog. Nginitian nalang ako ni Erwhan na parang sinasabi ng mga mata niya na magiging ayos din ang lahat.
Simula ng araw na iyon, hindi na muling nagparamdam sa akin si Chiede. It's been 3 years simula noong pangyayari na 'yon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko pang pinapaasa ang sarili ko na magbabago ang lahat. Kung ilang beses ko nang sinaktan ang sarili ko. Kung ilang beses ko na ring tinry na kalimutan siya. Pero kahit anong gawin ko, palagi pa rin niyang ginugulo ang isip ko at pinapatibok ang puso ko na sa kanya ko lang naranasan muli.
Pinagmasdan ko ang isang papel na pinagsusulatan ko ng tula para sa isang sikat na book of poets. Isang linya nalang pala ang kulang ko. Napatingin ako sa phone ko sa side table. Nangilid na naman ang mga luha ko.
Dahil hanggang ngayon, my heart is still wandering around his axis. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masyadong nangulila ang puso ko sa kaniyang pagkawala.
"Christmas na pala. Kamusta na kaya sya?" Tumingin ako sa bintana sa tabi ko, malapit na palang magdilim. "Chances I've wasted, will you ever come back to me?"
Napaisip ako sa last sentence na sinabi ko, maaari ngang ito na ang maging end ng tula ko. Natitigan ko nalang ulit yung phone ko, naghihintay pa rin ng mga text message galing sa kaniya. Pero malabo na iyon.
I opened my inbox and nakita ko ang pinakahuling text sakin ni Chiede. Ah, ganun ba? Sige. Take care always. Forever ^^.
Regrets were always at the end of our life. Bigla nalang pumasok sa isip ko itong mga katagang 'to. Tama nga naman.
This is my own composition of poem, something that somewhat relates me and causes that pain in my head, my heart and my chest, entitled... REGRETS.