Chapter Sixteen

11 0 0
                                    


NANG maipark na ni Jieller ang kaniyang sasakyan ay saka na siya dumiretso ng pasok sa loob ng ospital.

Pinakalma niya muna ang kaniyang sarili saka na siya nagtanong sa nurse.

"Nurse, pwede bang magtanong kung ano ang room number ng patient niyo na si Exrylle Excallahan?"Tanong niya sa nurse.

"Sir, room 325 po."Nakangiting sagot ng nurse sakaniya.

"Thank you, Nurse."pagpapasalamat niya rito.

Saka na siya dumiretso ng pasok sa elevator.

Kahit na kinakabahan siya ay pinanatili niya ang pagiging kalmado dahil baka mahalata ng kaibigan nito na may nararamdaman pa rin siya sa kapatid nito.

Nang makalapag ang elevator sa third floor ay agad din itong bumukas.

Malayo pa lang ay natatanaw na niya ang Ina ng dalaga kasama ang ama nito na nakikipag usap sa kaibigan niya.

'Naandito si Henrix, diba may photoshoot pa sila? Ibig sabihin ba nito ay makakauwi na rin ang baby ko galing sa photoshoot?'

Isinantabi na lamang niya ang isiping iyon, bagkus ay ipinokus niya ang isip niya sa lagay ng dalaga.

Nakita niyang papaalis ang mga magulang nito na nakasalubong niya.

"Oh Jieller, bibisitahin mo ba ang anak ko?"Tanong ng ina nito.

"Opo ninang, nalaman ko po gawa ng tinawagan niyo po ang mommy ko."Sabi naman niya.

"Naandoon na ang anak ko. Alagaan niyo siya ha?"Pagpapaalala ng ina.

Ngumiti naman siya rito.

"Opo, magpahinga na rin po kayo ni ninong."Sabi niya.

Saka na sila umalis.

Ngayon naman ay pupuntahan na niya ang silid ng dalaga.

Pagkapasok niya sa loob ng kwarto nito ay bumungad sakaniya ang kaibigan niya pati na rin ang dalagang nakaratay sa kama na walang malay habang may benda ito sa ulo at may tahi ang braso nito.

Masakit mang pangitain sa kaniyang paningin ito ay pinilit niya pa ring pagmasdan ito.

Pagkapasok niya ay binati niya muna ang kaniyang kaibigan.
"Pre."tawag niya rito.

Tinanguan naman siya ng binata saka ito sumenyas na umupo muna.

"Anong nangyari sakanya?"Habang nagtatanong siya ay mariin niyang pinagmamasdan ang itsura ng dalaga sa kama.

"Car accident."Maiksing ani ng kuya nito sakaniya.

Napailing na lamang si Jieller habang pinagmamasdan si Exrylle na nakaratay sa kama.

"Why are you here?"Tanong ni Henrix sa binata.

Out of nowhere ay bigla na lamang siya napaisip kung bakit nga ba siya naandito.

Pero dahil kailangan ay hindi siya mahalatang nag aalala sa dalaga ay gumawa na lamang siya ng palusot na epektibo para maniwala ang kaibigan niya.

"Nalaman ko nga itong nangyari sa kapatid mo. I just want to make sure if she's okay and how is she."Mahabang litanya ni Jieller kay Henrix.

Ngumisi naman bigla sakanya ang binata na parang binibigyan siya ng malisya.

'Great fucker.'

Akala niya hindi siya mahahalata ng kaibigan niya.

"Tss, you're concern huh."Nakangising sabat ni Henrix.

Nakakaramdam man siya ng awkwardness sa pagsabat ng binata nito ay sinuntok na lamang niya ang balikat ng binata.

You'll also like

          

"Fuck, just admit it you fucker."Pang aasar ni Henrix sakanya.

"Gago, gusto ko lang talaga alamin kung maayos na siya."Nakangising sabat niya. Trying to feel cool.

Bigla na lamang niya naalalang may meeting siya ngayong araw.

"Anong oras na?"Tanong niya bigla sa kaibigan.

Tumingin naman si Henrix sa kaniyang relo.

" Five fifty pm."Sagot ni Henrix.

Ayaw man niyang umalis dahil gusto niyang alagaan ang dalaga. Ngunit kailangan niya ng umalis.

"Damn, malelate na ko sa board meeting ko. Aalis na ko pre, take a good care of her."Paalam niya saka na siya lumabas ng silid ni Exrylle.

Gusto pa niyang makita ang dalaga ngunit hindi na talaga pwede.

NAGISING si Exrylle sa ingay ng dalawang tao na kasama niya sa loob ng silid niya.

Hindi man niya maintindihan ang pinag uusapan ng dalawa ay naiingayan pa rin siya.

"K-kuya, ang ingay niyo."panunuway niya sa dalawa.

Napagmasdan na niyang mabuti kung sino ang kaharap niya at walang iba kung di si Krishna, ang kasintahan ni Jieller at ang kuya niya.

"Ibili mo nalang kami ng pagkain."utos niya sa kuya niya.

Para makagawa manlang siya ng paraan upang makausap nang masinsinan ang dalaga at dahil na rin siguro sa gutom na naramdaman niya kaya niya inutusan ang kapatid niyang bumili ng pagkain.

"Fine, i'll get you a food."Maiksing sagot ni Henrix saka lumabas ng silid.

Sila na lamang ang natirang dalawa sa loob ng silid niya. Parang may dumaang anghel sa harapan nila dahil sa katahimikang namumutawi sakanila.
Hindi niya kaya ang ganitong katahimikan kaya siya na ang nagpasimulang magsalita.

"So, kamusta na kayo?"Pambasag niya ng katahimikan.

"M-maayos naman kaming dalawa."Sabat naman ng dalaga sakaniya.

Masakit sa parte niya pero ito na rin ang paraan para mapanatag siyang nasa tamang tao na ang dati niyang kasintahan.

Napangiti na lamang siya nang mapakla nang malaman niya ito.

"Good to know na napunta siya sa tamang babae. Masaya na ako dun."ika naman niya  saka niya tiningnan ang dalaga.

"Y-yup, thank you for that."Pero bakit ganun, nahahalata niyang medyo kinakabahan ang dalaga sa pagsagot sakaniya. Wala namang mali sa naitanong niya ang naging sagot niya rito.

"S-sana magtagal kayo at  sana pahalagahan mo siya."Doon na sana niya tatapusin ang usapan nila dahil sa sakit na nararamdaman niya. Ngunit nagulat na lamang siya nang biglang magtanong ang dalaga sakaniya.

"A-ano bang nangyari? Paki klaro naman ang lahat kung bakit nangyari yon?"Mariing sabat ng dalaga.

Ngumiti naman siya ng  pilit  habang pinipigilan nitong humikbi sa harapan ng dalaga.

Hindi niya kayang sabihin ang sagot dito dahil kasintahan ito ng binata. Syempre ang paniniwalaan pa rin nito ang binata.

"I can't say it. You're his girlfriend. How can i say it if the woman who is in front of me is my ex boyfriend's  current girlfriend?"Mapaklang sagot niya habang nagpupunas ng luha na galing sa kaniyang mga mata.

"Just tell me the truth. Anong nangyari? You know how miserable Jieller is before. You don't know how horrible he was when he said that his girlfriend is cheating on him—" Doon na magsimula siyang sumabog nang sabihin iyon ng dalaga sakaniya.

Paano masasabi ng dalaga ito kung wala nga itong alam sa pinagdaanan niya. Bakit parang ipinapalabas ng dalaga na siya pa ang masama. Tanggap na niya kasalanan niya pero wala siyang karapatang manghusga nang ganun-ganun lang.

"How can you say na nagcheat ako? How can you say na siya lang ang naghirap at naging miserable nang maghiwalay kami? Don't be such a one sided person, Krishna, dahil hindi mo pa alam ang katotohanan."Nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay doon na siya nanghina at umiyak sa harapan ng dalaga.

Bakit ba walang makaintindi ng side niya?

Lagi na lamang ba siya mahuhusgahan ng ganito na isa siyang manloloko, slut, bitch at maduming babae na?

Nagpatest naman siya at lumabas na hindi siya nabahiran 'nong panahon na 'yon. Pinapalabas lang ng iba na nakuha na ng isang sikat na artista ang kaniyang birhen.

"Y-you know what, i'll just thank you dahil nung mga time na yun nasa tabi mo siya. And you know what, he's lucky dahil meron siyang nasandalan when he needed you the most. Mayroon siyang nasandalan noong naghiwalay kami. Let me tell you this not because i need your pityful but because to make you know my side. Ang swerte niya dahil mayroon siyang ikaw habang ako mag isa akong naging miserable, wala ni isa akong masandalan sa mga oras na nagkahiwalay kami. Yes my family was there when i'm having a depression nang dahil don pero iba pa rin yung may kaibigan kang masasandalan sa lahat ng oras. And f*ck that sh*t,  wala ako 'non."Inaamin niya, sa panahong iyon ay magulang na lamang niya at ang kuya niya ang naging sandalan niya.

Wala na siyang mga kaibigan na nakasangga niya. They are just a whore and two-faced b*tches. Nang dahil doon ay nawala ang tiwala niya sa mga tao. Nawalan siya ng kaibigan. Natakot na siyang magtiwala muli.

"I'll thank you dahil ikaw ang nakatuluyan ni Jieller, i'm happy for the both of you."Ngumiti siya nang pilit at dito na niya tinapos ang usapan nila.

"T-thank you."yon na lamang ang nasabi ng dalaga.

"J-just wake me up pag nakarating na si kuya."Sabat niya saka muli siya humiga sa kama dahil na rin sa panghihinang nararamdaman niya at ang paninikip ng dibdib niya. Saka siya nagtalukbong ng kumot para maiwasang marinig siya ng kuya niyang umiiyak.

Pakakawalan na talaga niya si Jieller para sa kasiyahan ng dalaga at ng dati niyang kasintahan.

Ito lang naman ang paraan para makapagmove on na siya rito.Minsan ay napapagod na rin siyang umiyak nang umiyak gabi-gabi. Dahil siguro kung nagpatuloy muli ang ganung routine niya ay baka bumalik na naman ang depresyon niya at ayaw niya itong mangyari muli.

Narinig na lamang niya ang boses ng kuya niya na dala na ang pagkain nila.

Hindi muna siya kumibo at nagpanggap na lamang na tulog siya.

Titiisin na lamang niya ang gutom na nararamdaman niya.

So Into You (Excallahan Series #3)Where stories live. Discover now