Chapter 6

18 1 7
                                    

       Dagundong ng musika at hiyawan ng tao ang maririnig mo sa apat na sulok ng gusaling kinalalagyan ni Jack ngayon. Iba't ibang nakakasilaw  kulay na mula sa ilaw ang makikita mo sa paligid kasama ang mga taong nagsasayawan at nag iinuman.

        Kakapasok palang ng binata sa gusali ngunit mga taong nagtatalik sa gilid ang sumalubong sa kaniya. May iba naman muntikan ng magsuntukan pero inawat ng mga bouncers na naglalakihan ang mga katawan.

       Dumiretso ang binata sa kaibigan nitong nagtatrabaho sa bar na to. Umupo ang binata sa harap ng bartender.

"Oh! Nandito ka na pala Jack. Anong atin? Hard o regular?" sambit ng binata.

" Regular lang, Veronica." sagot ni Jack dito.

" Coming right up!" masiglang anunsyo ng kaibigan.

      Veronica ang ngalan ng kaibigan nito .  Sa loob ng tatlong taon na pabalikbalik rito ang binata ay palaging si Veronica ang nag- aasikaso sa kaniyang inumin at siya rin ang palaging nakakasalamuha nito dahil na rin sa kadahilanang si Veronica ang may ari ng buong bar.

Nilibot ni Jack ang kaniyang mata sa mga taong tila walang bukas kung sumayaw at magwalwal.

" Here's your drink, baby." pilyong sambit ni Veronica. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Jack sa tawag sa kaniyang kaibigan.

"Thanks... Baby." sabay kindat sa kaibigan. Tumawa naman ang kaibigan nito.

" So how's your day baby?" tanong ni Veronica sa kaibigan.

"It's fine, By." sabay inom ng alak. " Oh! I met someone new."

" Really? How?"

"She's a friend of Rain." simpleng sagot ni Jack habang tinignan ang natitirang alak sa baso nito.

"So it's a girl."

"Yeah."

"Is she beautiful?"

"Yeah." walang pagdadalawang isip na sagit ng binata.

"Well, that's kinda new."

"What do you mean by that?"

"Well it's rare for you to say that a lady is beautiful." hindi nagsalita ang binata sa itinuran ng kaniyang kaibigan sa halip ay nagkibit balikat lang ito bago muling uminom.

" Do you like her." tanong sa kaniya ni Veronica.

       Tumaas ang gilid ng labi ng binata sa ikalawang pagkakataon. He likes it when this friend of his acts this way. Tiningala ni Jack ang kaibigan. Sinenyasan nito si Veronica na lumapit. Linapit naman ng binata ang mukha nito.

"Don't be jealous. Ikaw lang ang baby ko." bulong ni Jack sabay kagat sa tenga ni Veronica.

        Namula naman ang mukha ni Veronica. Ngayon lang to ginawa ni Jack sa kaniya. Ang tawagan at mga aktong tampuhan o landian ay normal na sa kanilang dalawa, pero hindi naging ganito kalala ang kanilang mga aksyon.

"Oh! Namumula ka ata, baby..." mas lalong namula si Veronica pagbitaw ni Jack nga salitang baby.

"Tumigil ka nga Jack. Patay ka talaga sa Boss mo kapag nakita niya yang kalokohang ginagawa mo sa akin." Tinawanan lang ni Jack ang reaksyon ng binata. Boyfriend kasi ni Veronica aang may ari ng Cafe na kinakantahan ni Jack.

"Malaki utang na loob nun sa akin." sambit ng binata. Nameywang at tinignan ng babae ang binatangf kaharap habang nakataas ang isang kilay niya. "Alalahanin mo, kung hindi kita ipinakilala sa kaniya edi hindi kayo magjowa ngayon."

Our Hearts' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon