CHAPTER 13

18 1 0
                                    

Nathalie 𝐏𝐎𝐕

Nagsusuntukan yung eyebags ko dahil sa puyat. Pwede na nga atang gawing punching bag eh.

Punta kaya ako sa 3020 City tapos ibenta ko kahit bente pesos lang. Hindi nga pala ako makalabas dahil kinukulong ako.

Hindi ako nakatulog gabi dahil sa pinaggagawa ni Caliber . Hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga sinabi niya kagabi tapos …..

Bigla akong napahawak saaking labi. Ang lambot ng labi niya grabe

Napasabunot ako saaking buhok sa sobrang frustration dahil sa Barbie na yon na akala ko binabae yun pala kalahi talaga siya ni Adan.

Napatigil ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa ang taong dahilan ng walang tulog ko, si Caliber. May hawak siyang tray ng pagkain.

Good morning!”, nakangiting bati niya. Inirapan ko lang siya sa sobrang inis.

Anong maganda sa umaga kung wala kang tulog at mukang ngarag ka?

Pero parang wala lang sakanya dahil inilapag niya sa harapan ko ang tray ng pagkain saka umupo din sa harapan ko.

Bat ka umupo sinabi ko bang umupo ka? Saka sinabi ko bang pwede kang pumasok? Hindi ka man lang kumatok”, pagsusungit ko pero siya nakangiti parin.

Bahay ko to kaya naman papasukin ko kahit ano mang sulok ang gustohin ko

Bahay mo nga pero sana manlang irespeto mo ang mga bisita mo diba”, sarkastiskong sabi ko.

Masyadong maganda ang umaga para magsungit ka. Kumain ka na

Hindi ako gutom kaya hindi ako kakain

Hindi ko tinatanong kung gutom ka ang sabi ko kumain ka

Umagang umaga hinahighblood ako

Pwede bang umalis ka dito sa kwarto ko”

Ayoko”, pagkatapos ay bigla siyang humiga sa may paanan ko.

Kumain ka na hindi ako aalis dito ng hindi mo nauubos yang pagkaing dala ko. Ako ang nagluto jan”, dagdag niya. Ang kapal naman ng muka niya para utusan ako.

Marunong pala siyang magluto bat di niya lutuan yung sarili niya nung mga panahong nagpapaluto siya sakin.

Ang kapal talaga ng muka pero gwapo. Wala na din naman akong choice kaya kakain na lang ako.

Sorry”, bigla niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya , napahinto sa pagkain. Tumingin din siya sakin.

Sorry sa mga nagawa at nasabi ni Daddy. Sadyang malalim lang ang sugat na iniwan ng pamilyang Florentine sa pamilya naming kaya hanggang ngayon malaki parin ang galit namin sa kanila”, pagpapatuloy niya.

Alam ko”, napatingin siya saakin ng bigla akong sumagot.

Nasabi sakin lahat ni Savana”, ngumiti ako sa kanya.

Naiintindihan ko kasi kung ako din naman siguro ang nasa sitwasyon niyo baka ganun din ang gagawin ko.”, dagdag ko.

Ngumiti siya saakin pero mababasa ang lungkot sa kanyang mga mata.

Siguro ay mahal na mahal niya ang mama niya kaya ganun na lang ang galit niya sa pamilyang yon.

Magkwento ka nga tungkol sa pamilya mo”, bigla niyang sabi.

The Man in Year 3020 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon