School Room

21 0 0
                                    

Noong akoy nag aaral pa lamang sa hayskul ay may karanasan na rin akong kababalghan at katatakutan. Hindi lang ako kundi pati ang iba kong kaklase. Usap usapan na noon pa man na ang silid aralan naming ay may lumalabas na kung anong di maipaliwang na kababalghan. Lalo ng mga nasa katabing mga bahay at mga tao doon ay marmai narin usap usapan na meron ngang nag papakita tuwing gabi, minsan pa ay may liwanag pa nag paparamdam narin ang mga hindi mapaliwanag na nilalang. Naalala ko noon dumating na yung teacher naming, last subject na nun. Mga bandang hapon na at pagabi narin mga 5:30 ng hapon yun. Habang nag tuturo ng leksyon ang teacher naming ay nag kukulitan naman kami ng mga katabi kong kaklase. Nasita kami ng teacher naming at pinalabas kami sa room, kaming tatlo ng kasama ko mga kaklase ko. Bale nasa hallway kami ng iskwelahan at tanging kami lang ang nasa labas ng silid aralan. Bawal din kami mag usap bilang parusa samin. Sumagi sa isip ko ang kwento ng nag paparamdam sa room na iyon. Dahil mejo madilim sa hallway at iilan lamang ang ilaw na gumagana. Kinilabutan ako ng naalala ko ang mga kwento - kwento tungkol sa nag paparamdam sa Room. Tumingin ako sa teacher naming nakita kong nag susulat sya at kinausap ko mga kaklase kong kasama kong pinalabas ng room ng mahina baka marinig kami ng teacher namin. Sinabi ko sakanila na diba merong nag paparmadam dito at bigla silang nanahimik. At tumango tango lang, nag tataka ako bakit hindi sila nag sasalita. At tila naka tingin lang sila pababa at hindi sakin. Pero binalewala ko ang mga iyon. Muli akong tumingin sa room naming para pag masdan ang iba pang mga kaklase ko kung anong ginagawa. May bigla akong napansin lahat sila nakayuko at nakatingin pababa. Pati ang teacher naming ay nakatayo lamang sa harapan ng blackboard at siya'y nka yuko rin. Tumaas ang mga balahibo ko at nakakapgtaka bakit hindi sila nag sasalita, kahit kanina lamang ay parang nag recitation pa sila. Bigla kong napaisip nab aka kagagawan ito ng nag paparamdam na nilalang na hindi maipalwinag kung ano doon room naming. Tinanong ko ang dalawa kong kasama sa mga pinalabas kung anong nang yayari bakit ang mga kaklase natin at teacher ay naka yuko lahat. Ngunit laking GULAT KO!!! Wala sila sa aking tabi. Nakita ko sila nasa loob ng room at ako lang ang nag iisa sa hallway sa labas ng room. Sobra sobra na ang takot na nararamdaman ko. Napalingat ako sa bandang katabing room at nasa maayos naman ang ibang mag aaral doon. Napatingin ulit ako sa room naming at hindi nako nakakibo sa nakita ko!!!. Lahat sila nakatingin sakin pati ang teacher nko, nanlilisik ang mata nila at galit galit na nakatitig sakin. Hindi ako makaalis sa kinatatyuan ko. Humiyaw ang isa sa mga kaklase ko na parang HIYAW ng isang masamang espirito o kung anong masamang nilalang!!!. Hindi ako makasigaw para humingi ng tulong bakit ganito ang nang yayari. Para bangm ay pumipigil saking gumalaw. Di Parin nila mialis ang titig nila sakin lalo nanlisik ang kanilang mga mata at nag babago ang anyo ng kanilang muka na parang nagiging masamang itsura na itsura nang isang Demonyo. Naka ngisi sila na parang gusto nila akong saktan. Napapikit na lang ako at nag dasal n asana ay panaginip lamangl ahat ng ito at matapos na. Habang akoy nakapikit may naramdaman akong humawak sa balikat ko sa bandang likod. Nagulat ako at nakita ko ang isang nilalang na inaalog ang aking balikat. Iyon pala ay ang aming teacher na ginigising ako sa pag kakatulog sa oras ng kanyang klase. Na patingin ako sa mga kaklase ko at normal naman lahat ng nagyayari. Sobrang nakahinga ako ng maluwag at nag pasalamat dahil isa lang pala na panaginip ang nangyari. Iyon kaya ang isa sa mga pagpaparamdam ng nilalang na sinasbai nila?. Uwian na at tapos na ang klase hindi parin ako makapaniwala na parang totoo ang mga pang yayari. Hanggang dito na lang maraming salamat

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School RoomWhere stories live. Discover now